Abante Tonite Interactive

Alden dinedma ni Daniel

0 473

‘Di big deal:

Ni: Archie Liao

Inamin ng Pambansang Bae na si Alden Richards na tinext niya si Daniel Padilla noong ginagawa nila ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye.”

Bagama’t hindi niya idinetal­ye, ito raw ay may kinalaman sa pakikipagtrabaho niya sa nobya ng aktor na si Kathryn Bernardo.

Ang bagay na ito ay kinumpirma ni DJ sa naging panayam sa kanya noon.

Hindi kasi mahilig mag-reply sa text ang aktor at mas preferred nito na sinasabi nang harapan kung anuman ang gusto niyang iparating sa kanyang kausap.

Sey pa ni Alden, hindi rin daw siya na-offend kung dinedma man o hindi sinagot ni Daniel ang kanyang text.

Paliwanag pa niya, nirerespeto raw niya ang personal space ng Kapamilya actor.

Hirit pa niya, sobra raw siyang na-amaze rito at humanga nang magkaharap sila. Nagpunta raw si DJ sa tent nila habang nasa set siya ng movie.

Kinongratulate pa nga raw siya nito at nagpa­salamat sa pag-aalagang ginawa niya sa girlfriend nitong si Kathryn.