Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden excited na kay Bea

0 261

NI: ROLDAN CASTRO

Natupad na sa wakas ang pangarap ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na gumanap sa isang K-drama remake .Kumpirmado nang bibida sila ni Bea Alonzo sa upcoming movie na hango sa Japanese drama na ‘Pure Soul.’ May Korean adaptation din ito noong 2004 na pinamagatang ‘A Moment to Remember.’

Sa pelikulang co-produced ng Viva Films, GMA Pictures, at APT Entertainment, excited na si Alden kay Bea na minsan na niyang nakatrabaho sa isang shampoo commercial.
“Gusto ko siyang maka-work sana sa movie kasi nasubaybayan ko halos lahat ng movies nila ni John Lloyd Cruz,” aniya.

Mixed emotions daw ang nararamdaman ng Kapuso actor dahil nagsisimula na ang kanilang paghahanda para sa pelikula.

“Wala akong natututunan kung laging dun lang ako sa comfortable roles pero ngayon after ko siyang basahin, masaya ako na mas lamang ‘yung kaba kasi hindi biro ‘yung role,” aniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.