Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden game na pagpantasyahan

0 47

NI:ARCHIE LIAO

Aminado si Alden Richards na namamangha na lang siya minsan kapag nakababasa siya ng wild comments mula sa kanyang mga faney sa kanyang pa-abs.

Ilang beses na kasing nag-pose ang actor ng topless photo sa kanyang Instagram account. Ikinakilig at ikinaloka ito ng kanyang mga follower.

Aniya, nagbu-blush nga raw siya sa mga komento ng mga ito.

Ilan daw sa wild comment na natanggap daw niya sa kanyang mga fan ay ang pagsasabi ng mga ito ng anakan sila o bigyan ng ‘lahi’.

Sa halip na mabahala, hindi raw niya tini-take seriously ang mga ganoong komento.

Gayunpaman, itinuturing daw niyang isang compliment iyon sa kanyang pinaghirapang workout.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hirit pa niya, gusto rin daw niyang maging fitspiration para sa ibang tao.

Para raw reward na rin niya sa kanyang sarili ang mga nasabing komento .Patunay lang daw ito na naa-appreciate niya ang effort o hard work na ibinibigay niya para mapanatiling fit and healthy ang kanyang pangangatawan.

So far, positibo raw naman ang dating sa kanya ng mga ganoong compliment, kemereseng pagpantasyahan pa siya ng mga ito.

Para kay Alden, malaking impluwensiya rin daw sa kanyang fitness regimen ang sexy ad campaign na ginawa niya noong nakaraang taon.

Inamin din niya na ang kanyang workout ay kailangan din sa pagpapakita ng katawan sa seryeng The World Between Us.

Turning 30 na rin kasi si Alden next year at tanggap niya na ang pagpapa-sexy ay bahagi ng kanyang pagma-mature bilang actor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.