Abante Tonite Interactive

Alden gustong dukutin

By
884

tonite-no-thanks-cristy-ferminSabi ng aming assistant na si Japs Gersin, kapag pinanonood daw nito ang “Victor Magtanggol” ay parang gusto nitong dukutin si Alden Richards para iluwa ng TV, meron na raw kasing isang platong kanin si Japs kaya ulam na lang ang kulang.

Ganu’n din ang komento ng kaibigan naming propesor. Isang malaking kaginhawahan daw sa mga mata na pagkatapos nitong makipagbuno sa matinding trapik ay ang mukha agad ng Pambansang Bae ang sumasalubong sa kanya.

Napakaguwapo naman kasi talaga ni Alden Richards, mahal na mahal siya ng mga camera, bukod pa sa may saysay ang kanyang pagbibida dahil sa mapuso niyang pagganap.

Kalimutan na muna natin ang banggaan sa oras ng “Victor Magtanggol” at “Ang Probinsiyano.” Walang ilusyon ang guwapong aktor na paluhurin ang serye ni Coco Martin na halos tatlong taon na sa himpapawid, kampante na siyang malaman na nagkakaroon ng masarap na premyo ang pagsusunog niya ng kilay para maibigay ang kanyang talento sa mga sumusubaybay sa kanyang serye.

Kung ibang aktor lang si Alden ay baka puwede pang may yabang ang kanyang dating sa pakiki­pagsalpukan kay Coco Martin. Pero napakamapagkumbaba ni Alden, wala sa kanyang bokabularyo ang kaangasan, hinding-hindi mo siya mahuhuling nagbubuhat ng sariling bangko.

At ‘yun naman ang tatak niya na dahilan kung bakit patuloy siyang minamahal ng ating mga kababayan, kung bakit din patuloy siyang binibiyayaan, kahit pa may mga kampong naghahanap ng butas para siya pabagsakin.

Ang naturalesa ay hindi naitatago, ‘yun pa rin ang lulutang maging sa gitna ng labanan, ang pagiging humble ni Alden Richards ang malakas na hanging humihila sa kanya paitaas.()