Abante Tonite Interactive

Alden gustong patayin ng bashers

By
2,464

HINDI ba napaka-O.A. naman na reaksyon ng ilang netizens na bina-bash ang Pambansang Bae na si Alden Richards dahil lang sa narinig nilang short video na napasabi itong ‘gaga’ sa kanyang P.A. na si TenTen?

Natawa kami, aba ang linis-linis naman ng netizens? Eh, kung maka-bash nga sagad hanggang langit ang mga foul words na ibinabato nila.

Santo ba si Alden na hindi puwedeng makapagbigkas ng salitang ‘gaga’ na hindi naman mako-consider na bad word o mura.

Abante Hiring – IT dep

Posibleng hindi nila alam kung gaano ka-close, kakumportable sa isa’t isa sina Alden at Tenten ha. Kahit kami nawi-witness namin ‘yun at nakakatuwa ang pagiging kumportable nila sa isa’t isa.

Kung may nangba-bash, ang dami rin nagdepensa kay Alden na netizens. Ilan sa mga comments, “What’s wrong with Gaga? F word is being thrown left and right now a days. We are 2018 already!”

Iba pang comments, “11:39 so igapos na lang natin si Alden at ipako sa krus dahil nagsabi siya ng gaga? Parang napakalaking krimen naman magsabi ng gaga.

“Nothing wrong with what he said. But to an Hater like these SMFs small things like this is already a big thing to throw shade and bash.”

Kaloka rin, lahat na lang, kahit napakaliit na bagay o wala lang, ginagawang isyu at binabato at pinapalaki ng mga bashers ni Alden, huh. Halos patayin na si Alden ng bashers na ito dahil lang sa joke na ‘yon, na wala namang masamang ibig sabihin.