Abante Tonite Interactive

Alden handog sa OFW ang ‘Victor Magtanggol’

By
706

Marami ang nagtatanong kung patungkol ba sa ratings ng “Victor Magtanggol” ang tweet ng Pambansang Bae na si Alden Richards.

Mababasa kasi sa Twitter account niyang @aldenrichard02, “slowly”.

Kumbaga, nagsasalpukan man sila ng serye ni Coco Martin at patuloy pa rin silang lumalaban.

Anyway, bata man or matanda, talagang inabangan at tinutukan ang pagsisimula ng adventures ni Alden Richards bilang si Victor Magtanggol sa GMA Telebabad.

Hindi naman sila binigo ni Alden dahil talagang worth the wait ang unang apat na episodes ng telefantasya.

Pero bago siya maging ganap na isang superhero o magtransform bilang si Hammerman, isang OFW o overseas Filipino worker muna si Victor sa serye. Lumipad kasi siya patungong Canada para magtrabaho at para mahanap ang kanyang ina na si Vivienne (Coney Reyes).

Kaya naman inaalay daw ni Alden sa lahat ng mga kababayan nating OFW ang seryeng ito.

“Ramdam ko ‘yung pangungulila sa mga mahal sa buhay. Pero ‘yun ‘yung isang ugali ng mga Pilipino talaga na proud ako. Masasabi kong Pilipino ako. Handa tayong magsakripisyo talaga. Handa tayong magsakripisyo para mabigyan ng magandang buhay ‘yung mga mahal natin sa buhay dito,” pahayag ni Alden.

Samantala, napapanood na rin ng Kapuso viewers ang karakter ni Janine Gutierrez na si Gwen sa programa. Saludo naman si Janine sa kanyang co-star sa serye na si Alden.

“Ang galing ni Alden! Mahusay talaga siya dito. Talagang bumagay sa kanya ‘yung role na Victor Magtanggol kasi hindi lang siya basta ‘yung typical na superhero na very macho, very action lahat. Si Victor talagang may puso at saka funny. Funny siya,” ani Janine.

Patuloy na subaybayan ang Victor Magtanggol, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.