Abante Tonite Interactive

Alden hindi kailangan ang the WHO na Thai actress

3,616

ANG ilang mga pralala na ang Pambansang Bae na si Alden Richards, may chance na magka-international. May isa raw na filthy rich na Bangkok billionaire ang magba-bank roll sa pelikula at ang kapareha niya ay isang Thai actress.

Gusto niyo talagang pinagdadabog ang bangs ko, huh! Kung may katotohanan, sino ang producer. Ano ang pa­ngalan niya, pati na rin ang kanyang production outfit?

‘Yung sa aktres mula land of Siam, oo, mara­ming magaganda at guapong artista sa nasabing bansa. Alam ko, minsan ay minahal natin si Barbie Hsu (Meteor Garden) pati na rin si Sandara Park, pero may isa man lang bang Thai actress na pangmalakasan ang paghanga nating mga Pinoy?

Si Mario Maurer ang bukod tanging artista mula sa Bangkok ang kinakiligan nating lahat. Si Kakai Bautista nga minahal siya in a major, major way. Para bumongga lalo ang karera ni Richards, sa tingin niyo ba, ang Thai actress ang solusyon?

Ang mas lalong nakakapag-arko sa aking well contoured eye brows, may sitsit na ang anak ni Janice de Belen, si Inah Estrada, ang napupusuan ng mga Kapuso bigwigs na maging katambal ni Alden? (Hindi raw – ED)
Juice colored! No offense meant to the young miss, pero a starlet na walang stature at following talaga ang iniisip niyong kapareha ni Faulkerson?

Sobra naman kayo kay Alden! Ang daming puwedeng ipareha sa kanya, mapelikula man o telebisyon na mas exciting at mas makaka-arouse sa curiosity ng mga loyal Kapuso supporters kesa sa isang the WHO na Thai actress at the WHO times two na si Inah.

Kung pangmalakasang pushing ang gusto niyo, mga ka-Siyete araw-araw niyong napapanood si Sarah Gernonimo at Alden Richards sa mga patalastas para sa isang sanglaan at mobile phone company, hindi pumasok sa kukote niyo na panahon para pagsamahin sila sa isang pelikula?

Sangrekwa ang bayaran niyong b-suhesrain stormers at creative peeps, walang nakapagsuhestiyon na major, major GMA Films at Star Cinema collaboration sana ang isang Geronimo-Richards undertking at finally, this modern day Romeo and Juliet will put to an end the network wars na meron sa kasalukuyan.

Ang young best actress na si Barbie Forteza, bakit kailangan laging kay Derrick Monasterio, at nga­yon ang boyfriend pa sa dilim ni Maine Mendoza na si Juancho Trivino ang kapareha?

Hindi na naman ba nag-iisip ang mga creative gods sa ka-Siyete na puwedeng magsama ang dalawa sa isang primetime drama na halaw sa Cruel Intentions?

Another controversial and edgy material, magpinsang buong magkaka-inlaban ala Vilma Santos at Christopher de Leon sa Tag-Ulan, Tag-Araw?

O parang life of the millennials na university ang main playground, ala-Felicity?

Mas upgrade rin kung finally ang pelikulang dapat gagawin ni Jasmine Curtis-Smith at Alden ay matuloy na.

Kahit nga pagsamahin sila sa isang pelikulang parang Deliryo nina Jomari Yllana at Giselle Toengi, walang duda na they will deliver the acting goods.

Ang mga ibang love teams na kasabayan nila, milya-milya na ang layo sa kanila. Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, waging-waging hanggang sa huling episode ang La Luna Sangre. Sina Enrique Gil at Liza Soberano, nagbabantang mangabog sa Bagani. Sina James Reid at Nadine Lustre, matagumpay ang konsyerto at may paparating na pelikula tungkol sa millennial co-habiting.

Asan ang pelikula nila Alden at Maine? May pa­labas pa ba sila sa telebisyon maliban sa EB?
Bago mahuli ang lahat, lalo na para kay Alden Richards na talaga namang mahusay na aktor, please give him Sarah, Jasmine or Barbie. He deserves the best.

Sam mas makapal ang foundation kay Yassi

ANG Pambansang Third Wheel, kung pagbabasehan ang movie trailer nito ay fresh, fun at very entertaining.

Super push na naman muli si Yassi Pressman sa kanyang quest for superstardom at major, major pagmamahal at suporta mula sa balana at madlang pipol.

Hopeless romantic, cooky at pwedeng ma­ging crazy in love ang kanyang katauhan sa pelikula kung saan ka­tambal niya si Sam Milby.

‘Pag tumiba ito sa takilya, na parang posible, a new star is born at si Pressman, puwede nang ibaon sa limot ang launching movie nila ni Andre Paras na parang sila-sila lang ang nanonood.

Si Sam, inglisero pa rin, inilalako pa rin ang katawan niyang pangromansa. Panalo ang eksena sa trailer na hubad baro nililinis ang kanyang sasakyan at si Yassi, takam na takam at napakagat-labi pa dahil Milby is indeed too sexy for his shirt. Dapat talaga sa kanya laging naka-hubad baro. Kung bet naman niyang maghubo ay sure na sure lahat tayo walang pag-iinarte. Hindi katangkaran si Milby sa totoong buhay at diva that you slightly bothered na parang mas makapal pa ang foundation niya kay Pressman nung humarap sila sa entertainment press.

Walang duda na mainam ang pagkakasulat nito lalo na nga’t katuwang sa pelikula ang Idea First Company nina Direk Jun Lana at Perci Intalan.

Good luck kina Yassi, Alonzo Muhlach at Sam, potential hit ang pelikula niyo.