Abante Tonite Interactive

Alden ibang girl ang ka-trip sa Tagaytay

By

Lagot ka sa AlDub Nation

3,907

FIESTA na naman sa Sunday (Jan. 14) ang fans ni Alden Richards, dahil ang ‘Pambansang Bae’ ay makiki-Road Trip kasama ang ilan sa kanyang mga tunay na kaibigan sa showbiz.

Makakasama ni Alden ang komedyanteng si Divine Tetay, ang DJ/host na si Sam YG, at ang malapit din sa puso niya na friend niya na si Bea Binene. Ang kanilang papasyalan? Isang lugar na ‘di kalayuan sa Maynila pero maganda ang tanawin at hindi lang masarap mamasyal, yummy pa raw ang bulalo rito. Saan pa nga ba kundi sa Tagaytay!

Pahinga muna sa pagpapakilig si Alden at makiki-bonding muna sa kanyang malalapit na kaibigan. Susugod sila sa isang theme park para magkasubukan ng tapang sa rides nito. Haharapin din nila ang challenge ng wakeboarding. Pero siyempre, hindi mawawala ang pinakahihintay ng barkada — ang food trip!

Kaya hanapin na ang inyong Happy Place To Heal Your Hugot, kasama sina Alden, Tetay, Sam, at Bea sa Road Trip ngayong Linggo, 5 p.m. sa GMA 7.