Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden inutangan ni Valeen ng P.5M

0 262

Minsan pa ay pinatunayan ni Alden Richards kung gaano siya ka-matalungin bilang tao at bilang kaibigan dahil hindi siya nagdalawang-isip nang mangutang si Valeen Montenegro sa kanya ng half a million.

Walang kamalay-malay si Alden na pina-prank lang siya ni Valeen para sa YouTube vlog ng aktres na ang idinahilan sa pangungutang ay pambayad sa kanyang condominium.

Mula sa pagtawag ni Valeen kay Alden ay ipinakita ng aktres at nakakatuwang sumagot agad ang Pambansang Bae sa call.

Nagpasakalye muna si Valeen ng papuri kay Alden sa mga achievements nito lately at sa mga blessings na natatanggap nito hanggang sa dumako na nga sa kanyang misyong pangungutang.

“Kasi di ba, from the start of the year, eh medyo nagkaroon ako ng problems like with my dad and everything, all the hospitalization. Eh hanggang ngayon kasi, hindi pa rin ako nakakabayad. Sobrang ayan, wala tayong work ngayon, so nahihirapan din ako with everything like rent, ‘yung mga bills and I think you know where I’m getting at,” ani Valeen.

Nakikinig naman si Alden at umaayon sa kanya, senyales na naiintindihan siya ng aktor.

Hanggang sa sinabi na nga ni Valeen kung okay ba na mangutang ng pera. Noong una ay 1M ang sinabi niya pero binawi niya ito agad at half a million na lang daw.

“Sobrang desperate times lang talaga, kasi my condo is 80,000 a month tapos siyempre, nag-iisip na rin ako ng pwedeng paglipatan,” sey pa ni Valeen.

Sagot naman ni Alden, “don’t worry tutulungan kita diyan.”

Bongga, di ba naman?

Siyempre later ay ini-reveal na ni Valeen na prank lang ito at natawa na lang ang aktor.

Ayon pa kay Valeen ay first time niyang mang-prank ng kaibigan at talagang nagpatulong pa siya kina Lovely Abella at Benj Manalo na aniya ay magaling mang-prank.

Sa huli ay sinabi ni Valeen na kaya naman daw sobrang blessed ni Alden dahil nga napakabait nito at totoong kaibigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.