Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden, Jasmine naudlot sa mini-serye

0 611

How true na may bagong mini-serye na gagawin ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards? Nakatakda raw mag-lock-in taping pero ayaw pa i-reveal ang mga makakasama niya.

May tsika rin na dapat ay si Jasmine Curtis-Smith ang makaka-partner niya pero hindi raw matutuloy. Iba raw ang makakasama ng aktor.

Samantala, kinuwento ni Alden ang posibilidad na magkaroon na rin siya ng sariling YouTube channel sa mga susunod na buwan kung magpapatuloy pa rin ang ‘new normal’ sa mundo ng showbiz.

“Right now, we’re transitioning into the new normal. So, we have to be open to new opportunities for work and continue to be in touch with the supporters and fans na nandiyan,” lahad ng Centerstage host.

Posibleng laman daw ng kanyang YouTube channel ang live streaming ng kanyang online games na napapanood na rin sa official Facebook page ng Kapuso actor. Bata pa lang daw siya ay mahilig na si Alden sa iba’t ibang games, “Ever since I was young, I was a gamer. Gamer na kami ng kuya ko so iba eh. Parang it’s a different world. Games are games. Kahit ano pa ang composition ng laro.”

Nagpaalala naman si Alden sa mga gamer na kagaya niya na importanteng balansehin ang paglalaro ng online games at personal life.

Anyway, tuwing Linggo ng hapon ay napapanood din si Alden sa ‘All-Out Sundays: The Stay Home Party’ .

Kahapon, nagsimulang ipinalabas muli sa GMA 7 Afternoon Prime ang serye niyang “One True Love” tuwing 4:15 PM. Dito siya nakilala sa bansag na Tisoy. Muli siyang magpapakilig at paiibigin ang mga Aldenatics.

Tisoy hirap mag-shoot sa sarili

Kumusta naman ang shooting ni Alden from home experience na via streaming app na rin ang shooting ng shows para sa safety ng lahat?

“Mahirap siya, to be honest. Mahirap mag-shoot ng sarili especially I’m not really used to it but we have to adjust. Hindi pwedeng porke’t mahirap, hindi mo na gagawin, that’s our new normal now. Hindi tayo pwedeng maging passive about it kasi talo ka rin if you’re not going to cope with the changes,” bulalas ni Tisoy.

“Kami ng team ko, we shoot our own content and then we upload it. Mahirap siya pero nadi-discover namin na we became mini directors of our own content, ‘yun yung parang new discovery ko sa new normal natin. Enjoyable pala siya, although mahirap,” dagdag niya.

SM food to go Banner Ad

Nakakapanibago ba ang shoot nito kumpara noong normal pa ang situwasyon?

“Sobrang hirap kasi nakaka-miss ‘yung live shows. You get to see your co-workers, you get to talk to them every after prod that you do. Tayong mga Pinoy, gusto natin nakikita ang mga katrabaho natin ng harapan, ‘yun lang siguro nami-miss ko given the circumstance. Hindi na muna natin puwede i-prioritize ‘yun eh. Iba ‘yung energy pag nasa stage ka, may audience ka, kasama mo ang mga katrabaho mo, ‘yun ‘yung nakaka-miss. Pero, malapit na rin ‘yan, we just have to pray for it, babalik na rin tayo on air, live, alongside our co-artists,” sambit pa ni Alden.

Tsuk!

Willie ‘di pinagyabang ang ayuda

Grabe itong mga taong walang magawa at iniintriga pa ang pagsasabi ni Willie Revillame na magdo-donate siya ng limang milyong piso para sa mga tsuper.

Sa mga hindi nakakaalam, ilang weeks nang ginaganap ang press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Wil Tower. Mismong si Willie ang nag-offer nito since sarado nga ngayon ang New Executive Building sa Malacanang.

Sa Wil Tower din ginaganap ang Tutok to Win ng matulunging TV host kaya naman madalas talaga silang nagkikita. Niyaya rin ni Roque si Willie oncam na noo’y bumibisita sa set.

Hanggang sa nauwi sa ayuda ang usapan na magbibigay siya ng P5M donation na apektado ng krisis ng COVID-19.

Instead na matuwa ang lahat, may mga masasamang budhi na minasama pa ang tulong ni Willie. Hindi pagyayabang ‘yung ayuda niya. Hindi porket naere ay ganoon na ang dating. Dapat ay magsilbing inspirasyon ito sa mga nakaluwag-luwag na mag-share ng blessings.

Napakalaking pera ang P5M na dapat ding malaman ng mga tsuper na may ibinahagi sa kanila si Kuya Wil.

Pero hindi naman nadadala si Willie na tumulong kahit iniintriga. Ang importante sa kanya ay makapagbigay ng ayuda sa mga kababayan natin na apektado ng pandemya.

Mabuhay ka Kuya Wil!

Leave A Reply

Your email address will not be published.