Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden, Jasmine tambalan nag-aapoy

0 527

ROMMEL PLACENTE :May upcoming drama series ang GMA 7 na “The World Between Us.” Pinagbibidahan ito nina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith.

Nasa lock- in taping na ang dalawa. Ito ang second time na nagtambal sina Alden at Jasmine.Una silang nagkatrabaho sa pelikulang “Imagine You and Me” at nasundan sa “I Can See You: Love On The Balcony.”

Alam ninyo mga ka-Cuatros I have nothing against Alden at Jasmine naman.Pero sa totoo lang,walang dating para sa akin ang tambalan nila,wala silang chemistry.

Ewan ko ba kung bakit sila muli ang pinagtambal ng GMA 7.Dapat ay si Maine Mendoza na lang.Sa tingin ko naman kahit may Arjo Atayde na sa buhay ni Maine ay tatangkilikin pa rin ang loveteam nila. Buhay pa rin ang AlDub Nation.At naniniwala ako na susuportahan pa rin sila.

Suggestion ko lang sa Kapuso network mga ka-Cuatros,bakit kaya hindi nila gawan ng BL series si Alden at subukang ipareha ito either kay Derrick Monasterio or Kristoffer Martin na parehong close friends niya? Siguradong papatok ‘yun. Usong-uso pa rin ang BL serye di ba? At kung ang bida pa ay si Alden,na first time mapapanood sa ganitong klase ng show,siguradong hahataw ‘yun sa rating.

Dati,nu’ng gawin ng Siete ang My Husband’s Lover nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez,di ba ito ang may pinakamataas na nakuhang rating sa mga serye nila? It’s about time na gumawa uli ng ganitong klase ng palabas ang nasabing network.

RODEL FERNANDO: Actually dapat ibang Kapuso actress na lang ang ipinareha kay Alden at hindi kay Jasmine Curtis-Smith .

Kung okey lang sana si Marian Rivera ay mas may chemistry sila o kaya naman ay si Sanya Lopez kaya lang ay may mga show pa siya. Puwede rin si Carla Abellana na galing sa hit na show pero ang problema ay may bago rin siyang show.

Ang problema kasi kay Jasmine na ewan ko ba bakit matagal na rin siyang artista pero hindi bumobongga nang todo ang kanyang career.

Magandang break itong project niya kay Alden dahil halos ng mga nagawa niyang teleserye ay second lead siya. Harinawa ay mabago ang ihip ng hangin at ito na ang simula ng kanyang pag-ariba. Mahilig din namang mag-ekspiremento ang Kapuso Network at malay natin maging successful ang kanilang tambalan ni Alden.

MILDRED A. BACUD:Agree naman ako sa inyo mga ka-Cuatros. Parang walang chemistry kung titignan sa photo sina Alden at Jasmine. Pero alalahanin n’yo, ganyan din ang nasabi nung first time magtambal sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz sa pelikulang ‘A Very Special Love’. Wala raw chemistry.

Surprisingly, nag- box office hit at nasundan pa ng tatlong pelikula. Baka naman makita natin ang chemistry kapag umarte na sina Alden at Jasmine.

Pero napapatanong din ako, bakit kaya hindi na lang si Julie Anne San Jose ang tinambal. Di ba na-link ang dalawa at may fan base na. Bubuhayin na lang ang tambalan nila.

Mahusay naman si Jasmine. Nag-click ang tambalan nila ni Rocco Nacino sa Descendants of the Sun, Philippine version. Isang mestiza at isang moreno. Marami ang kinilig sa kanila.

Anyway,malay naman natin. Parehong mahusay na mga artista sina Alden at Jasmine, baka madala sa acting ang pagkakaroon ng spark sa tambalan nila.

ROLDAN CASTRO: Natutukan ko ang mini-series nina Alden at Jasmine na “I Can See You: Love On The Balcony”. Okay naman ang tandem nila. Nabitin nga ako dahil nag-aapoy ang chemistry nila.

Pangatlo na nilang pagsasama ito pero ngayon lang talaga sila mapapanood sa mahabang exposure. Dito talaga sila mahuhusgahan nang bonggang-bongga.

Na-test naman na kung bagay sina Alden at Jasmine at sa palagay ko aariba sila sa bago

nilang serye na “The World Between Us.”

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.