Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden, Jasmine top trending sa Twitter

0 322

Finale ngayong gabi ng ‘I Can See You: Love On The Balcony’. Tinatampukan ito nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Hindi raw nahirapan ang Asia’s Multimedia Star na makasundo ang kanyang leading lady. Pinusuan din sila ng viewers lalo’t laging top trending sa Twitter World ang kanilang mga episode.

Bumuhos ang positive feedback mula sa viewers . Light lang pero nag-aapoy ang chemistry ng dalawa. Bagay raw sila at mahusay umarte.

SM food to go Banner Ad

Hindi lang tungkol sa pag-iibigan sa panahon ng pandemya ang seryeng ito.

Kuwento ni Jasmine na gumaganap bilang nurse na si Lea Carbonel, nagbibigay-kaalaman din daw ito sa buhay at pagsubok na kinakaharap ng ating medical frontliners.

Huling gabi ng ‘I Can See You: Love On The Balcony’, 9:15PM. Mapatawad kaya ni Gio (Alden) si Lea (Jasmine) at ang kanyang ina?

‘Yan ang abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.