Abante Tonite Interactive

DenLie walang ilangan sa pagsayaw

925

Nabuhay ang supporters ng DenLie tandem nina Alden Richards at Julie Anne San Jose dahil magkasama sila sa pumalit sa “Sunday PinaSaya”, Napanood namin nang live kahapon sa Studio 7 ang bagong Kapuso Sunday show at mukhang sina Alden at Julie ang poste ng show, kaya silang dalawa ang magkasamang nagsayaw nu’ng opening.

Anong feeling doon ni Julie?

“I feel okay, I feel chill about it. Nu’ng nire-rehearse po namin ni Alden ‘yung production number, okey naman po kami. Wala namang ilangan, okey naman po kami.

“At saka we’re actually aware kung may sasabihin man ‘yung ibang tao kasi even ako, kahit wala akong ginagawa, may masasabi pa rin ‘yung ibang tao. But at the end of the day, it doesn’t really matter to me because I’m here to do my job and I love doing my job.

“Gusto lang po namin na maging maganda ‘yung production number namin, so yeah, we’re okay. We’re civil. Okey naman po kami,” bulalas ni Julie nang matsika namin after the show.

Mukhang mas okey na sila ngayon, so masasabi ba niyang bumalik na ‘yung dati nilang friendship ni Alden?

“I believe so. Kasi before, nu’ng ‘SPS’, never kaming nagkaroon ng chance na mag-usap or whatever. But nu’ng nagkaroon kami ng chance sa ‘Sunday PinaSaya’, okey naman po kami. We’re good, we’re very civil. At saka 2020 na po, okey na ‘yon,” natatawang pakli ni Julie Anne.

So, okey sa kanya kung palagi silang magkasama ni Alden sa prod tuwing Sunday?

“If required, yes.”

Aware si Julie na trending kahapon sa Twitter ang hashtag na #NoToJulie at ‘yun daw agad ang nakita niya paggising niya, so she didn’t know how to react.

In fairness ay trending din ang #YesToJulie na pabor naman sa kanya. Dati raw ay naaapektuhan siya ng mga gano’n, pero ngayon ay hindi na raw dahil tapos na siya roon.

More than 10 years na raw siya sa industriya, so hindi na raw niya pinapansin ‘yung mga bagay na hindi nagma-matter. Na-experience na raw niya ang worst bashing, so hindi na siya naaapektuhan pa.

“Toxicity is not what I need right now,” ang markadong linya ni Julie sa kanyang detractors.

Feeling daw ni Julie Anne ay ready na siya for a new love sa 2020. Kaya lang, ngayon ay wala pa raw siyang time makipag-date.

Importante raw sa kanya ang mag-establish muna ng friendship sa lalaking makikilala at idi-date niya.
Eh since mukhang matagal silang magsasama ni Alden every Sunday , okey rin ba sa kanyang mag-establish ng friendship with Alden?

“Right now, we’re okay. That’s all I can say.”

Eh kung may mas iookey pa?

“I don’t know. Ha! Ha! Ha!”

Pero open naman siya roon?

“Hindi ko po alam isasagot ko, eh. Ha! Ha! Ha! Basta, like right now, I’m just focused muna being myself, being a solo performer.”

Kahit ‘yung dati nilang friendship, puwede pa bang maibalik ‘yon?

“I guess. We’ll see. And you know, a lot of things can happen in a year and I don’t know what’s gonna happen in the future. Only God knows. He can twist things around,” sambit ni Julie Anne.

Vice P45M ang hahabulin kay Aga

Napag-iwanan na nang husto ni Aga Muhlach si Vice Ganda base sa bagong MMFF 2019 box-office report na nakuha namin from our very reliable source.

As of January 4, 2020 ay naka-P350M na ang “Miracle in Cell No. 7” ni Aga habang ang “The Mall, The Merrier” ni Vice ay naka-P305M.

Palayo na nang palayo ang gap dahil patuloy pa ring kumikita ang Aga movie na remake ng Korean film.

Malamang ma-extend pa ito sa mga sinehan even after ng filmfest na magtatapos officially bukas, January 7.

Nasa #3 pa rin ang “3Pol Trobol: Huli Ka Balbon” ni Coco Martin (P85M), #4 ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” ni Vic Sotto (P70M), #5 ang “Sunod” ni Carmina Villarroel (P20M) at #6 ang “Mindanao” ni Judy Ann Santos (P15M).

May correction ang source namin sa kinita ng “Write About Love”. Last time kasi, ang sinabi niyang gross nito as of January 1st ay P5.6M, ‘yun pala, ang totoong figure nito ay P3.5M lang.

This time ay nasa #7 pa rin ang pelikula ni Miles Ocampo (P5M) at nasa #8 pa rin ang pelikula ni Iza Calzado (P4M).