Abante Tonite Interactive

Alden kabado kay Coco

By
3,057

tonite-imo-vinia-vivarAminado naman si Alden Richards na may kaba rin sa puso niya sa pagsisi­mula ng Victor Magtanggol dahil alam niyang matindi rin ang makakatapat niya sa timeslot which is ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

“Siyempre po, may kaba po kasi siyempre ‘yung itatapat po sa atin is talagang andiyan na po, eh, matagal na pong nandiyan at saka matatag na po ‘yung na-establish na viewership.

“Pero confident din po ako sa material ng ‘Victor Magtanggol,’ sana po, magustuhan ng audiences. Sana po, ma­ging successful po ‘yung takbo namin.

“Saka kung baga, ‘yung effort po namin dito as a team, effort ko po dito, effort po ng post production who happens to create all the effects, hindi po biro, eh. Wala na pong tulugan minsan.

“Kaya sana po, tangkilikin siya. Kasi isa po ito sa ipagmamalaki ko pong project ngayong ta­ong ito,” pahayag ni Alden.

Napanood na raw niya ang pilot episode at hindi naman daw sa nagbubuhat siya ng bangko pero napakaganda raw.
“Na-surpass po ‘yung expectations ko po when it comes to effects. Nagulat po ako na kaya na po pala ng mga Pinoy na makapag-produce ng ganitong klaseng pelikula,” sey pa ng Pambansang Bae.

Magsisimula na sa Lunes, July 30 ang ‘Victor Magtanggol’ pagkatapos ng 24 Oras.
***

Utang na loob ni Christian, ‘di tinalikuran

Nilinaw ni Christian Bables na hindi ang pelikulang ‘Signal Rock’ ang dahilan kung bakit niya tinanggihan ang TV series na ‘Born Beautiful’ na naging dahilan ng pag­kakasamaan nila ng loob nina direk Jun Lana at direk Perci Intalan.

“Hindi po ito ‘yun,” sabi ni Christian kahapon sa presscon ng Signal Rock, “Base sa mga tsismis, ‘yung tele­serye ko po na ginagawa ngayon, ang Halik. Hindi po ‘to ‘yun.

“Kung baga, nauna po ito, bago ‘yung pag-uusap namin nina direk Jun about Born Beautiful.”

Matatandaang nagka­ayos na sina Christian at ang mag-asawang direktor sa press launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino since pareho nga silang may entry this year sa nasabing festival.

‘Signal Rock’ ang entry ni Christian Bables habang sina Direk Perci at Direk Jun ay ‘Ang Babaeng Allergic sa Wifi’.
Kaya naman laki ring pasasalamat ni Christian sa PPP na naging daan ng pagkakaayos nila.

Si Christian ang nag-reach out sa dalawang di­rektor at naging emos­yonal pa siya nang moment na ‘yun.

Aniya ay napakatagal niyang kinikimkim ang emosyon niya dahil noon lang daw siya nagkaroon ng chance na makausap nang personal ang mga ito simula nang magkaroon sila ng misunderstanding last November.

Aminado rin siyang talagang naapektuhan din siya ng nangyari sa kanila lalo pa nga’t halos araw-araw din siyang nakakabasa noon ng mga negative write-ups tungkol sa kanya.

“It’s painful for me because I know, ‘yung mga nakasulat po sa write-up, hindi po totoo. ‘Yung utang na loob na sinasabi nila du’n sa write-up, that is one thing na hindi ko siguro mapapayagan dahil kung bubuksan n’yo ‘yung dibdib ko, ‘yung utang na loob will always be here hanggang sa siguro, mamatay ako,” ani Christian na nagsisimula na namang maging emosyonal.

Ayon pa sa aktor, ang dalawang direktor ang dahilan kung bakit siya naririto ngayon sa industriya.

It could be remembered dahil sa pelikulang ‘Die Beautiful’ nakilala si Christian na idinirihe ni Direk Jun at ipinalabas noong 2016 sa Metro Manila Film Festival. Dito rin nanalo ng dalawang acting award ang aktor.

Samantala, ang ‘Signal Rock’ naman ang first lead role ni Christian na idinirihe naman ni Chito S. Roño kaya naman sobrang happy siya and at the same time ay kabado.

Kinunan sa Samar ang pelikula at naka-lock up ang mga cast for 15 days. Kasama rin sa movie sina Elora Espano, Mara Lopez, Francis Magundayao, Arnold Reyes at marami pang iba.

The movie is showing on Aug. 15-21 mula sa CSR Production and distributed by Regal Entertainment, Inc.(Vinia Vivar)