Abante Tonite Interactive

Alden, Kathryn nagkakamabutihan

0 391

Ni Ronaline Avecilla

Kamusta ang bagong tambalan nila ni Kathryn Bernardo sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye”?
“Sobrang daling pakisamahan po, ‘yun lang masasabi ko. Walang halong kung ano man, PR. ‘Yung na-experience ko po sa kanya sobrang gaan katrabaho and ‘yung passion din po niya sa ginagawa niya, sobrang into siya doon sa project,” ani Alden Richards.

“So parang nakaka-inspire, lalo na si Direk Cathy, sa lahat ng nakatrabaho kong direktor, siya po ‘yung pinaka-meticulous at kalog kapag kasama na tipong after the movie, kaibigan mo pa rin siya.”
Kamusta ang work relationship niyo ni Kathryn?

Aniya, “Sobrang dali ka-trabaho, hindi po ako nahirapan.

At first po syempre, hindi mawawala ‘yung ilangan kasi first niya makakapareha ‘yung ibang partner and so ako naman po I’m always willing to adjust and siya rin naman po I’m sure nag-adjust siya para magkatugma­ po kami at ma-project ‘yung character.”

Paano kaya nawala ang ila­ngan nila ni Kathryn?

“Kuwentuhan po, off cam, mga jokes sinisimulan ko, mga ‘oh Kath, ano favorite proper place mo, favorite food?’ Then after a while nag-loosen up ako sa kanya.

“Si Kath naman po talaga noong una, wala po akong naramdaman na arte or ayaw niyang gawin ito. She’s willing to explore, parang sobrang dali po namin naka-adjust sa isa’t isa.”

Excited ba siya na maipalabas ang movie?

“Excited po ako mapanood nila ito kasi ang ipapalabas po namin sa pelikula is ‘yung mga makabagong OFW po ng Hong Kong. Kagaya nga po ng sabi ng Star, it’s been a while since the last OFW movie na nagawa nila.
Parang it’s about time, para kamustahin naman natin ‘yung lagay ng mga OFW.

Tribute po natin ito sa mga kababayan natin sa Hong Kong,” deklara niya.
Anong next na aabangan kay Alden?

“From the movie po, tapusin lang po siguro and sa teleserye po kasi so far wala pa po tayong nilalatag na plan,” pakli niya.

***
Pambansang Bae walang panahon sa sarili

Ang pagiging masinop sa pera ang numero unong natutunan ni Alden sa kanyang Lola. Kaya ganoon na lamang ang kanyang pagpupursige para mapagsabay ang negosyo at ang kanyang acting career.

Keri niya pagsabayin ang pagnenegosyo at ang showbiz?

Paliwanag niya, “Being able to be given a license to franchise McDonald’s is not a small thing, it’s not a small deal. Marami nagtatanong kung paano ko raw napagsasabay being a businessman and being an actor at the same time.

“Actually, hindi po madali. Kailangan ko po talaga ng core team, kasi I need good people behind me para to do both things at the same time. Kasi kung ako lang po ‘yan baka na-drop ko ‘yung isa but with their help, siyempre my Family, my close friends and my team, sila po ‘yung tumulong sa akin to be able to fulfill my duties as an actor and as a businessman.”

Si Alden ay kabilang sa mga endorser ng naturang food chain. Parte rin ba ng franchising ang endorsement niya?

Pag-amin niya, “I really went through the process. Walang special treatment.”

Sa sobrang hectic ng schedule ng Pambansang Bae, paano niya kaya nairaraos ang lahat? Gaano siya katatag?

Aniya, “May mga points po talaga na napapagod na ako, kasi halos wala na akong time sa sarili ko, sa family, sa mga taong importante sa akin.
“Pero kapag nakikita ko po ‘yung fruits of my labor, kagaya po ng ganito, ‘yung mga pinaghirapan ko, ‘yung mga traits at mga bagay na hindi ko binago sa sarili ko, nakikita ko siya sa harap ko, parang wala lang po ‘yung hirap, parang puwede pa, marami pa akong paghihirapan para mas marami pa tayong magawang ganito.”

***

Umaariba ang negosyo

Winner sa life ang Pambansang Bae na si Alden. Hindi lang kasi ang kanyang acting career sa showbiz ang bumubulusok kundi maging ang pagiging businessman niya.

Nagsimula ang aktor sa pag-i-invest sa mga food businesses at mayroon na rin siyang sari­ling mga restaurant. Kaya naman ngayon, sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi niya ang kanyang unang franchise ng McDonald’s sa Biñan Highway, Laguna.

Sa lahat ng fast food chain na mayroon sa bansa. Bakit ito ang napili niya? Aniya, “Nagstart lang po ‘yung dream ko. To have a McDonald’s when I was young.

“Ganu’n naman talaga eh, kapag bata tayo mahilig tayo mangarap ng mga suntok sa buwan na pangarap na sana one day in my life, magkaroon din kami ng McDonald’s store. And then 20 years later, eto na po kami with our own store.”

Katuwang ni Alden ang kanyang buong pamilya sa pagbuo ng pangarap niyang fast food franchise. Kaya naman higit na nagpapa­salamat ang aktor sa kanyang pamilya na naging bahagi ng tagumpay niya bilang negosyante.
Aniya, “I would really like to give my much appreciation kasi ako ang sinasabi ko I’m just a face pero ‘yung talagang naghirap since Day 1 ng training, sleepless nights, naospital pa siya, tumaba, pumayat, tumaba na naman ulit, syempre sa sister ko. Syempre sa Dad ko na pinag-resign ko na sa trabaho,” lahad niya.