Abante Tonite Interactive

Alden kay Julie Anne ang bagsak

1,265

Nakatakdang magsamang muli sina Alden Richards at Julie Anne San Jose sa isang proyekto. Na-link noon ang dalawa pero hindi ito nagtuloy-tuloy lalo na nang mabuo ang AlDub love team.

Si Alden ay magti-twenty eight years old sa darating na January 2, 2020 pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong bagong napupusuan.

May mga nagsasabi na baka sina Alden at Julie Anne ang ukol para sa isa’t isa lalo’t pareho silang single ngayon.

Ngayong Holiday season ay dinala ni Alden ang kanyang pamilya sa South Korea for a vacation habang si Julie Anne naman ay dinala ang kanyang family sa Sapporo, Japan. Naka-experience siya ng show sa kauna-unahang pagkakataon.

Masuwerte ang babaeng iibigin ni Alden dahil bukod sa mabait ito, isa siyang family-oriented person. Mahal na mahal niya ang kanyang pamilya.

Gabby-Marian tandem kasado na

Nakatakdang mapanood sa unang quarter ng 2020 si Gabby Concepcion na kapareha ni Marian Rivera sa isang rom-com series.

Ayon kay Gabby, dream come true para sa kanya ang makapareha si Marian.

Ang unang tambalan nila Gabby at Marian ay nangyari matapos muling magkabati sina Yan at ang dati niyang manager na si Popoy Caritativo. Tumatayong manager ngayon ni Gabby si Popoy.