Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden kinabog si Daniel sa NYF Awards

0 28

Pasok ang virtual reality concert ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na “Alden’s Reality” sa short-listed entries mula sa Pilipinas sa 2021 New York Festivals (NYF) “World’s Best TV and Films” Competition.

Iniintriga ng mga netizen na kinabog daw ni Alden ang “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience” concert ni DJ dahil nagkaroon ito ng international nomination.

Ang nasabing virtual reality concert ni Alden ay nominado sa ilalim ng Entertainment Special: Special Event category. Bukod sa Alden’s Reality, finalist din sa NYF ang Kapuso Mo, Jessica Soho, Reel Time, Reporter’s Notebook, at The Atom Araullo Specials. Ang Kapuso Network nga ang may pinakamaraming shortlisted entries mula sa Pilipinas dahil 5 finalist nominations ang nakuha nito.

Matatandaang ginanap ang Alden’s Reality na produced ng Synergy: A GMA Collaboration noong Disyembre bilang selebrasyon ng isang dekada ni Alden sa showbiz.

@@@

Maxine ‘magulo’ ang relasyon

Hindi na talaga maawat si Maxine Medina.Kung effective siyang kontrabida sa ‘First Yaya,’ todo naman ang akting niya sa masalimuot na pag-iibigan.

Mapapanood ito sa fresh episode ngayong Sabado sa award-winning drama anthology na ‘Magpakailanman’. Ito’y pinamagatang ‘Mahal Kita, Mahal Mo Siya’.

Parehong nasa magulong relasyon sina Jon (Dion Ignacio) at Anne (Maxine Medina). Nang magtagpo ang landas nila ay hindi maitatago ang pagtingin nila sa isa’t isa.

Sasabak si Maxine sa kakaibang love story.

Talbog!

@@@

Amazing Earth magdiriwang ng 3rd anniversary

Bagong adventures at marami pang inspiring stories mula sa local heroes ang naghihintay sa Kapuso viewers sa three-part anniversary special ng award-winning infotainment show na ‘Amazing Earth’ simula ngayong Linggo, June 13, sa bago nitong time slot.

Tampok sa special episodes ang wildlife stories mula sa BBC nature documentary na ‘Seven Worlds, One Planet’ na kuha mula sa sa iba’t ibang panig ng mundo at halos limang taong binuo.

Ngayong Linggo ay tutukan din ang eksklusibong panayam ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kay Pasig City Mayor Vico Sotto na ibabahagi ang environmental efforts sa kanilang lungsod kagaya na lang ng kanilang floating farm.

Kuwento ni Dingdong, “We have a special guest sa unang anniversary special namin, si Mayor Vico Sotto. Kahit busy siya at birthday ng mommy niya na si Ms. Coney noong araw na ‘yun, he shared his time with us para ipakita ang “green side” niya.”

Samahan si Dingdong na lakbayin ang ating nag-iisang planeta sa three-part anniversary special ng Amazing Earth, simula ngayong Linggo, sa bago nitong time slot, 7:40pm, bago mag-Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.