Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden kinabog si Dingdong

0 1,230

NI: ALWIN IGNACIO

Wala naman siyang bagong pelikula o programa, pero ang mahal nating lahat, si Alden Richards, hindi talaga pwedeng itanggi ang kasikatan.

At ano ang patotoo? Aba, pahusayan in English writing ang dalawang entertainment editors of the two broadsheets at ang featured artista, sino pa nga ba kundi si Richard Faulkerson Jr. Hebigat! Hindi ba naman.

Maunawaan ko pa sana kung si Dindong Dantes ang may pangmalakasang features kasi nag-life begins at 40 na si Jose Sixto kamakailan. Kaso, hindi si Dantes ang sentro ng mga kuwento kundi ang may best in biloy na si Richard nga.

In both features, mababasa ang mga dahilan why Alden is on top of his game. Highlighted ang kanyang sipag, tiyaga, swerte, kabaitan, kabutihan at ang angking husay sa pag-arte.

At sa mga sagot ni Alden sa mga tanong, damang-dama mo ang katapatan at mula sa pusong mga sagot na hindi put on. Hindi niya pinaplastik ang editors na kausap. Kaya dama mo rin, mambabasa ang giliw ng mga patnugot kaya kay sarap basahin ng mga sinulat nila.

Sa newbies in the biz, sana ay kanilang binasa ang features dahil sadyang inspirational ang buhay ni Alden at to aspire what he has achieved as a son, brother and actor. Talaga namang dapat tularan at pamarisan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.