Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden kinarir ang electronic car sa US

0 253

Nag-enjoy ni Alden Richards ang pagbabakasyon niya sa US recently kahit pandemic dahil ayon sa aktor ay timing naman nang nandoon sila ay nagluwag na ang bansa sa mga safety protocols.

“Ibang-iba ‘yung experience kasi. Since kung baga, ‘yung United States naman po is a first world country, parang they have COVID under control. It’s just that hindi lang nako-kontrol ‘yung surge or number of cases,” kuwento ni Alden sa Mars Pa More.

“Ngayon po du’n, medyo maluwag kasi ni-lift na po, actually, upon arrival namin po du’n, parang one month nang ni-lift ‘yung mandate regarding masks.

“So, puwede kang hindi na mag-mask sa labas pero kapag enclosed establishments, dapat naka-mask ka, kasi hindi ka papapasukin,” sey pa niya.

Kaya naman sa isang post ni Alden na larawan niya habang nasa labas siya ng restaurant ay wala siyang mask at mukhang enjoy na enjoy talaga siya.

Paliwanag niya, sa isang restaurant daw sa Santana, California kuha ang larawan.

SM food to go Banner Ad

“I keep on going back to that restaurant po kasi masarap ‘yung hot chocolate diyan, e. Tsaka diyan din po ako pumunta noong unang punta ko po diyan,” saad ng aktor.

Na-experience rin ni Alden ang mag-drive ng electric car sa US at na ipinost din niya sa kanyang social media. Ayon sa Pambansang Bae, first time niyang mag-drive nito.

“Wala po siya sa plano–to rent a car Actually, it’s just a rental car. It’s an electric car po kasi, ‘yang Tesla. Very common na po siya sa US and I haven’t driven a Tesla before. So, sinubukan ko pong mag-rent for a couple of days and then ‘yan po ‘yung ginamit naming pang-ikot sa California,” pagbabahagi ng aktor.

Ang larawan daw niyang nagkakape habang nakasakay sa Tesla ay kinunan ng kanyang tiyahin noong sila ay nasa Twin Peaks, isang elevated area sa San Francisco na isa ring tourist attraction.
“Malamig,” kuwento pa niya.

At nang tanungin siya tungkol sa photo niya kung saan ay ipinakita niya ang kanyang abs, ayon kay Alden ay ito raw ang resulta ng araw-araw niyang pagdyi-gym.

“I started a new lifestyle, so working out, eating healthier, hindi na po ako nagre-red meat, hindi na po ako nagka-carbs,” sey pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.