Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden kinulit na magladlad

0 193

Pagkatapos ilantad ni Piolo Pascual ang kanyang manok sa mga presidentiable, kinukulit naman ng mga netizen sina Coco Martin at Alden Richards. Iladlad daw nila ang napupusuan nila na maging ng president.

Ito ay dahil sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Disyembre, pasok sina Alden at Coco sa mga personalidad na malaki ang impluwensya para makahikayat ng botante.

Ang mga nanguna sa naturang survey ay sina Sen. Grace Poe. Pangulong Rodrigo Duterte, Mayor Sara Duterte, Angel Locsin at Kris Aquino.

Pasok din sa mga maimpluwensyang indibidwal para sa mga botante si Willie Revillame.

Malupit na sikreto ang sinusuportahan presidential bet nina nina Alden, Coco, at Sen. Poe.

Tahimik din sa pagkapangulo si Presidente Duterte, bagamat todo-suporta naman siya sa anak na pangalawang pangulo ang tinatakbuhan.(ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.