Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden, Kuh, Jed, Christian, Gerald nakiisa sa PMPC virtual concert

0 308

Ngayong gabi na (April 18), 8:00PM, gaganapin ang virtual concert na Awit Sa Pandemya sa ticket2me web player. Ito ay handog ng The Philippine Movie Club,Inc.

Nakakatuwang malaman na maraming bloggers, press na hindi miyembro ng club ang sumuporta sa benefit concert na ito.Todo sila sa pagpo- promote. Pati ang mga artista,director, executive sa production ay nakiisa sa proyektong ito na pinangunguhan ng PMPC President na si Roldan Castro

Alam naman kasi nila na ang kikitain nito ay may magandang patutunguhan. Ito ay para sa senior citizens na need ang pambili ng gamot na kanilang maintenance. Apektado kasi ang entertainment industry sa pandemya na naging dahilan para mabawasan ng pagkakakitaan o mawalan ng trabaho.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Sobra ang pasasalamat ng PMPC sa mga magpe-perform gaya nina Alden Richards, Jed Madela,Christian Bautista,Gerald Santos, Jeric Gonzales,Kuh Ledesma,Ima Castro, Luke Mejares atbp. Hindi sila nagdalawang isip na sumali sa Awit sa Pandemya.

Mabibili ang tiket sa ticket2me.net .Para sa ibang detalye tumawag sa 09188427346. (Rommel Placente)

Leave A Reply

Your email address will not be published.