Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden ‘kulong’ nagpa-swab test

0 214

Nakatakdang simulan sa September ang mini-serye ni Alden Richards sa GMA 7.

Absent muna siya sa live episode ng ‘Eat Bulaga’ dahil sumailalim siya sa swab test at self quarantine bago mag-taping.Ito ay preparasyon niya sa nasabing mini-serye.

Posibleng ang Asia’s Multimedia Star ang unang itatampok sa “I Can See You” drama series na susundan din ng mga sikat na artista ng Siete.

Balitang 4 days ang itatagal ng bawat production sa programa. Susunod din sila sa guidelines at protocol sa pagti-taping para mapangalagaan ang kalusugan ng lahat ng mga cast at nasa production.

Talbog!

Bong pagaling na

Tuluyang nagpapagaling si Senator Bong Revilla sa COVID-19.

Post niya sa kanyang Facebook page. “Maraming salamat po sa inyong lahat na hindi bumitaw at tuloy-tuloy na nagdasal para sa aking kalusugan.

“I am responding well to the treatment and medication, and with your prayers, I am beating COVID-19.

“Thank you dear God for guiding all health workers and giving them the strength to push on in these difficult times, and blessing them with your healing hands for them to in turn heal us.

Salamat sa mga doktor at nurse na susi sa aking paggaling at paggaling ng marami nating mga kababayan.

Thank you all. Thank you.”

Pak!

Hashtag Nikko na-scam ng P4M

Kalakip ng news clip ng TV Patrol, nag-post si Hashtag Nikko Natividad sa kanyang Facebook page.

“Hindi ko na kaya manahimik. Isa ako sa mga nag invest at na scam dito. Alam ko mas galit pa ang mga tao samen kesa sa ng scam na kesyo baket kasi kame naghahangad ng malaking pera.(Madali magsalita dahil wala kayo sa sitwasyon namen)

“Ang layunin ko dito ay makatulong sa iba. Na wala ng maloko pa kagaya ng ganito. Napaka saket sakin at sameng mga naloko na mawala lahat ng pinaghirapan at pinagipunan sa isang iglap lang.

“Sobra sobrang depression binigay nito saken.Nawala ang 4million ko dahil nagtiwala ako sa maling tao. Dugot pawis sakripisyo tapos isang iglap lang mawawala.

“Hindi nako umaasa na mabawi pa yung pera na nakuha nya samen dahil alam ko na wala yung pera.Hustisya na bahala sayo.

“Nawalan man kami ni cielo ng pera Hindi naman kame nawalan ng pangarap at inspirasyon para magpatuloy.  Masaket dahil walang wala ako ngayon pero babangon ako at matututo sa pagsubok na natanggap ko. Hindi namen kasalanan na nagtiwala. Kasalanan NYA na niloko nya ang mga tao na nagtiwala sakanya.”

May reaction naman at nagtatanong ang columnist na si Dominic Rea sa kanyang FB account, “Na-scam daw si Nikko Natividad ng 4 million pesos! Wow! Saan galing ang 4 million pesos niya? Kahit siguro sa isang taon na raraket siya ng out of town shows ay hindi siya makakabuno ng ganoong halaga! Magkano ba talent fee niya sa bawat pelikulang nagawa niya na? Magkano ba talent fee niya sa bawat pagsayaw niya sa entablado ng it’s showtime araw-araw? Wow! Daming pera ni nikko! Pahiram naman beh!”

Comment ni Nikko,” Di kasi ako tamad.”

Sa Twitter account ng aktor ay sinagot niya si Dominic.

Tweet niya: “Sainyo po galing customer nyo ako dati diba? Malakas kayo magbigay ng bonus.”

Bwahaha!

Dagdag pa niya sa Twitter, “Pag ang artista hindi naka ipon PINAGTATAWANAN NYO. Pag naman nakaipon sasabihin nyo “SAN GALING?”

“Sa mga nagtataka pa,para isahan nalang. Gumigising ako madaling araw para mag @ukg

tapos deretcho @itsShowtimeNa tapos tatanggap ako teleserye kahet wala akong linya basta magkatrabaho ako. Tapos sideline sa mga pelikula kahet small role wala ako pakealam basta kumita.”

“Sinusuyod ko mga fiesta mall show bday sa buong pilipinas para rumaket. Nagtitinda ako grahams sa abs at sa labas . Bedsheet ,sandals at youtube. Ngayon pag nagduda pa kayo may MALI na sainy

“Tama na kalma nako. Pasensya na kayo. Hirap kasi nakadapa nako nginungudngud pako.”

Lahad naman niya sa naranasan niyang scam. “Naniniwala paren ako sa hustisya.”

“Sa lahat ng lumalaban ng patas para lang kumita ng pera. Godbless us all,” sey pa niya.

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.