Abante Tonite Interactive

Alden lumabas ang bangis kay Bova

By
3,111

Pagkatapos tanggapin ni Alden Richards ang silver medal award para sa pinagbidahan niyang docudrama na Alaala: A Martial Law Special sa 2018 New York Festivals sa Las Vegas ay bumalik siya ng New York para sa kanyang scheduled acting workshop.

Mukhang one-on-one ang session doon ni Alden with NYC-based acting coach Anthony Vincent Bova.

Sa tweet ng Pambansang Bae ay nagpasa­lamat siya kay Mr. Bova dahil malaking privilege daw ang maging estu­dyante nito.

Abante Hiring – IT dep

Bago umalis para sa ginawa nilang Kapuso shows sa New Jersey at Toronto ay nasabi sa amin ni Alden na ang dami pa pala niyang hindi alam pagdating sa acting kaya magwu-workshop ulit siya kay Bova, tutal ay nasa NYC na siya.

“Great workshop today!!!” ang sabi ni Ana Feleo sa Instagram post nito.

Si Ana ang palaging nag-a-assist kay Bova sa mga pa-workshop ng GMA Artist Center at madalas sa New York si Ana para mag-aral pa ng ac­ting techniques na ituturo sa Kapuso stars.

After their workshop ay nag-treat si Alden ng steak dinner sa Smith & Wollensky.

Sa IG post ni Ana ay nag-comment si Alden ng, “Babalik ako, ate!!” na sinagot ni Ana ng, “Yes! Ganda ng commitment mo sa workshop. So proud of you! Ang tapang mo na.”

Natuwa ang Aldenatics na hindi tumitigil si Alden sa pag-aaral ng kanyang craft. Kita mong nandu’n talaga ang passion nito na mas matuto pa bilang aktor.

Sa pagbalik ni Alden ay baka paghandaan na niya ang pagsisimula ng gagawin niyang epic fantasy series na Mitho, na tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga diyos at diyosa, na dinig namin ay posibleng may konek sa mythology ng Encantadia.

Jessie J panalo sa Singer 2018

As expected ay si Jessie J ang nagwagi sa Chinese singing competition show na Singer 2018.

I Will Always Love You ni Whitney Houston ang pinangkabog ng 30-anyos na British pop superstar sa naging runners-up niya na sina Hua Chenyu at Wang Feng.

Sa round one na nag-perform ang finalists with a guest singer ay pinili ni Jessie J ang Chinese superstar na si Coco Lee at ang Asia’s Soul Supreme na si KZ Tandingan.

Bang Bang ang binanatan ng tatlo sa kanilang pasabog prod. Sariling song ‘yon ni Jessie with Ariana Grande and Nicki Minaj.

Tuwang-tuwa si KZ, na feeling niya ay siya ang nanalo dahil bukod sa nakilala niya ang isa sa biggest musical influences niya ay nakasama niya pa ito sa kompetisyon at inimbita pa siya mismo ni Jessie na mag-perform with her sa finals.

Kabisado ni KZ ang Bang Bang dahil dati na niya itong inaawit at sobrang kamado na niya lalo ‘yung rap part nito, kaya todo-bigay siya sa number nilang tatlo.

“My heart is so full!! I’m so happy! She deserved it so much!!” ang tweet ni KZ after manalo ni Jessie.

Hindi man pinalad na makaabot sa finals si KZ, wish ng lahat na mag-open ng maraming o­pportunities sa 26-anyos na Davaoeña ang pagsali niya na ‘yon sa Si­nger 2018 dahil pinatunayan niya rito na talagang world-class ang kanyang talento.

Bitoy makikipag-bonding sa Avengers

Nasa Singapore si Michael V. to do a lot of ‘first time’ na ang sabi niya sa social media posts niya ay may kaugnayan ito sa isang grupo na kung tawagin ay Avengers.

Abangan daw ‘yon sa kanyang Bitoy Story vlog sa YouTube.

Sobrang daming na-excite for Bitoy dahil ob­viously ay may kinalaman sa Avengers: Infinity War ang biyahe niyang ‘yon.

Sa pinost niyang video­ ay gumawa siya ng 15-minute sketch ni Doctor Strange. Nang may magtanong kung ibibigay niya ba ‘yon kay Benedict Cumberbatch ay thumbs up sign emoji ang sagot dito ni Bitoy.

Ang lupet, grabe ang galing, idol at hanep ang kamay ang kadalasang komento ng Bitoy fans, na namamangha sa husay niyang gumuhit.

Feeling namin ay gagawin ni Bitoy ang kanyang famous 15-minute sketch nang live sa red carpet fan event ng Avengers: Infinity War sa Marina Bay Sands bukas.

Nandu’n na sa Singapore si Cumberbatch at darating din sina Robert Downey Jr. (Tony Stark/Iron Man), Karen Gillan (Nebula of Guardians of the Galaxy) at Joe Russo (co-director ng Infinity War).

Bonggah ni Bitoy, makaka-bonding niya ang cast ng inaabangang Ho­l­lywood blockbuster, na sa April 25 ang showing dito sa ‘Pinas.

Andrea at Rochelle mainit ang salpukan

Sa show ni Bitoy nga­yong Linggo na Lip Sync Battle Philippines ay hindi Infinity War kundi ‘Bombshells War’ ang magaganap dahil magkakabugan sa lip sync-an sina Andrea Torres at Rochelle Pangilinan na close friends sa totoong buhay.

My Heart Will Go On ni Celine Dion ang babanatan ni Andrea sa first round habang Whenever, Wherever ni Shakira ang ihahataw ni Rochelle.

Sa round two ay paseksihan ng skin-tight outfits at pasiklaban ng choreography gamit ang over-the-top props sina Andrea at Rochelle.

Si Bitoy ay may opening challenge para sa co-host niyang si Iya Villania: to lip sync 18 songs in 2 minutes!

Abangan mamayang gabi ang Lip Sync Battle Phi­lippines sa GMA pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.