Abante Tonite Interactive

Alden, maaksyon bilang LAKAN

By
Alden Richards at Maine Mendoza
9

NGAYON ang lipad ni Maine Mendoza pa-Amerika para manood ng concert ng Coldplay.

Ito ‘yung pasabog na regalo kay Maine, na nu’ng matanggap niya ay naiyak siya dahil matagal na niyang pangarap mapanood nang live ang paborito niyang British rock band.

Ang dinig namin ay marami silang lilipad pa-US kasama sina Mr. T (Tony Tuviera), Direk Mike Tuviera, Ms. Jenny Ferre at pati si Direk Poochie Rivera ng Eat Bulaga.

Parang treat na rin yata ito ng APT Productions dahil sa big success ng AlDub movie na Imagine You & Me, ­pero hindi kasama si ­Alden ­Richards.

August 20 & 21 ay sa Rose Bowl Stadium sa Pasadena, California ang concert tour ng Coldplay. Isa sa mga petsang ‘yon manonood si Maine and company.

Five days yatang mawawala si Maine, kaya sa kalyeserye ay ibinilin niya kay Alden na alagaan at pagsilbihan sina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) habang nasa ibang bansa siya.

Ang sabi ni Meng kay Alden ay dadalawin niya si Lola Tidora (Paolo Ballesteros) sa Amerika pati na ang ibang mga kamag-anak nila roon.

Mukhang sa barangay muna si Tisoy kasama ng mga lola habang wala si Menggay.

Bago umalis ay nag-advance birthday celebration muna si Ms. ­Jenny (headwriter ng kalyeserye) at nakita namin sa Snapchat ni Maine na sa awit-awitan portion ng party ay nag-duet sila ni Alden.

***

May ibang mga lakad si Alden kaya hindi siya ka-join sa Amerika para manood ng Coldplay concert.

Next week ay magti-taping na raw ang Pambansang Bae ­para sa guesting nito sa ­Encantadia bilang isang ­Mulawin.

Lakan ang pangalan ng taong-ibon na karakter ni Alden.

Ang sabi ni Alden ay makikipaglaban si Lakan para sa mga diwata.

Mapapasabak siya sa action scenes at nag-costume fitting na rin ­siya para rito.

Inaasahang lilipad pataas ang ratings ng Encantadia kasabay ng paglipad ng guest character ni Alden na si Lakan.

Si Miguel Tanfelix bilang Pagaspas ang unang karakter na nagmula sa telefantasyang Mulawin na nag-guest sa requel ng Encantadia.

Mukhang after Enca ay ibabalik din ng GMA ang hit fantasy series na pinagbidahan noon nina Richard Gutierrez at Angel Locsin.

Sino kaya ang mapipiling bagong Aguiluz at Alwina sa bagong version ng Mulawin?

***

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

May bagong pauso ang GMA, ang live commentary video for a local TV series na sinimulan nila with Encantadia Sessions nu’ng July 18.

Mapapanood dito ng Kapuso viewers ang nasabing GMA Telebabad show kasama ang official correspondents na sina Francis Libiran, Victor Harry, Nar Cabico, Marlann Flores at Avery Paraiso.

Bilang ­pasasalamat sa suporta ng mga manonood sa Kapuso telefantasya, inimbita sa Encantadia Sessions ang Encantadia stars na ­sina Rochelle Pangilinan, Vaness del Moral, ­Ruru Madrid, Solenn Heussaff at Glaiza de Castro para samahan ang correspondents sa online event na ito.

Si Rochelle (na gumaganap bilang Agane) ang pinakauna sa cast na sumali rito nu’ng July 28.

Nu’ng August 4 naman si ­Vaness, na pak na pak sa Kapuso viewers ang karakter nito na si Gurna.

Si Glaiza na nangangabog bilang si Pirena ay sinorpresa ang fans nang samahan nito sa live event ang Kapuso hunk na si Ken Alfonso nu’ng August 11.

Bukod dito ay meron ding weekly roundtable discussion para sa Encantadia Sessions na mapapanood ng users sa official microsite ng Encantadia.

Ang seksing si Solenn na gumaganap bilang Cassiopea ang unang naki-join sa roundtable discussion.

Sumunod sa kanya ang yummy Kapuso hunk na si Ruru Madrid (Ybarro/Ybrahim) na naki-bonding din sa correspondents, tapos ay naki-roundtable discussion na rin si Vaness.

Marami pang Enca stars ang makikisali sa Encantadia Sessions kaya abangan ito live every Monday and Thursday habang umeere ang Encantadia simula 7:45 PM, sa Encantadia 2016 official Facebook page o mag-log on sa official micro­site ng Encantadia.