Abante Tonite Interactive

Alden maghahanap na ng GF

722

Plano ni Alden Richards na maghanap ng partner pagkatapos ng kanyang serye.

Bagamat happy and content siya sa buhay, bibigyan naman niya ng oras ang kanyang sarili. Aasikasuhin naman niya ang kanyang personal na kaligayahan.

May tinatarget na ba siya na maging dyowa?

“Naghahanap pa lang. January pa lang, eh,” sambit niya nang makatsikahan namin sa bago niyang endorsement na Embassy Whisky.

Naniniwala rin siya na kusang darating ‘yun.

“Yes po. Kasi ‘pag ipilit naman natin baka para tayong kumain ng kanin na napaso. Ayaw ko namang maging ganoon ang magiging relationship ko,” deklara pa niya.

Tinanong din sa kanya sina Catriona Gray at Lisa ng Blackpink.

Aminado naman siyang nag-follow siya sa Instagram ni Cat, gusto niya ang mga photo nito pero hindi pa sila magkakilala.

“Siyempre, Miss Universe ‘yun,” sambit niya.

Super like din siya sa larawan ni Lisa ng Blackpink.

“Siyempre,” reaksyon pa ni Alden.

Tsuk!

Topacio kay Nadine: Balikan mo si James!

Marami ang natawa sa mensahe ni Atty. Ferdinand Topacio kay Nadine Lustre pagkatapos magbigay ng payo sa kontrata ng aktres.

“Balikan niya si James,” sambit niya nang makatsikahan sa Viva Vision 2020.

Mas nakakabuti raw kung makipag-usap si Nadine at ang lawyer niya sa Viva para magkaroon ng agreement. Hindi raw puwede na basta na lang isasawalang bahala ang pinirmahan nitong contract sa kanyang management.

Anyway, tuloy na tuloy na ang pelikulang ipoprodyus niya tungkol sa kontrobersyal na Mamasapano Massacre.

Sey ni Atty. Topacio ng “Borracho Films Production”, minarapat nila na gawing initial offering ang istorya ng tinuguriang “SAF44” sapagkat dapat daw malaman ng lahat ng Pinoy kung anong tunay na nangyari sa Mamasapano noong araw na iyon.

Ang susulat ng script ay ang premyadong scriptwriter na si Eric Ramos.

Kumirmado na rin ang pangganap nina Edu Manzano, Ritz Azul at Myrtle Sarrosa. Tinatarget ni Atty. Topacio si Arjo Atayde bilang isa sa mga lead star.