Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden magpapawagi ng iPhone, LED TV

0 144

NI: ROLDAN CASTRO

May pasabog ngayong Lunes ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards . Meron siyang pakulo sa lahat ng mga manonood ng kanyang bagong serye na The World Between Us.

Simple lang ang gagawin mag-tele-selfie mamayang 8PM habang nanonood ng first episode ng TWBU. Dapat ang larawan ay kasama ka at TV na ipinapalabas ang kanyang serye. I-post ito sa inyong Twitter account na may hashtag na #THEWORLDBETWEENUS (Make sure na naka-set sa public ang inyong account).

Pipiliin ni Alden ang 3 lucky winners ng iphone 12 Promax at isang winner ng LG OLED TV 55 inch.

Ang mga mananalo ay ipo-post sa Alden Richards social media accounts.

Ibang Alden ang mapapanood sa bago niyang serye. May dark side din siya at hindi puro mabait.

“When we started reading the script, iba ‘yung binabasa mo na siya from naririnig mo lang ‘yung kuwento. That started the fire within me to create this character na very relatable. With the cast, the story, the director, I think this is going to be one of my best teleseryes in five years,” deklara niya.

Nararamdam din ang chemistry nila ni Jasmine Curtis.

“Pareho kaming in love sa characters namin and sa story nilang dalawa so that makes the chemistry so much easier kasi ramdam mo ‘yung kilig ng character mo. We’ve done projects before and although short period lang ‘yun, it was still enough to build a good foundation. I’m grateful kasi it’s been so fun and easy to work with Alden,” lahad naman ni Jasmine.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Talbog!

Jasmine napaiyak sa video ng ermat

Speaking of Jasmine, naging emosyonal siya matapos mapanood ang surprise video message mula sa kaniyang Mommy Carmen na naka-base ngayon sa Australia.

Parte ito ng naganap na FunCon na inorganisa ng GMA Pinoy TV .

Aniya, “I miss my mom so much. We haven’t spoken kasi in like two weeks so thank you for that surprise. Like it’s making everything so worth it and I miss her so much.”

Sa naturang video message ay inilarawan ni Mommy Carmen ang anak na si Jasmine, “Very friendly siya and very loving daughter, ganyan, [and] mahilig siya kumain ng Pinoy food – beef steak, adobo, ganun.”

Dagdag pa ng kaniyang ina, “Keep smiling and ‘wag kang masyadong mag-isip sa ngayon dahil I know that you’re always worried na hindi tayo nagkikita but I always love you.”

Samantala, makakasama rin sa The World Between Us sina Tom Rodriguez,Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Kelley Day, at Yana Asistio.

Leave A Reply

Your email address will not be published.