Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden mapaglaro kay Bea

0 140

Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin makapaniwala si Alden Richards na katrabaho na niya bilang leading lady si Bea Alonzo.

Sa kasalukuyan kasi ay ginagawa na ng dalawa ang first teleserye nila together na Start-Up sa GMA-7 at ayon kay Alden, nostalgic pa rin ang feeling na hindi pa siya artista ay fan na siya ni Bea pero ngayon ay kasama na niya.

“Kanina, nun’g we were doing a scene, sabi ko, ‘idol ko ‘to dati.” Idol ko ‘tong. . .I mean, this very talented woman, I used to look up to her, ‘di pa ‘ko artista. Meron lang siyang nostalgic feeling na parang. . .’wow, ngayon, kaeksena mo na, seryoso ba ‘to?’” wika ni Alden sa panayam ng 24 Oras.

Kuwento pa ni Alden, katatapos nga lang daw nilang i-shoot ang isa sa mga heavy scenes at hindi raw siya nahirapan dahil ang gaan katrabaho ni Bea.

“We did quite a lot of workshops. And madali rin naman kasing pakibagayan (si Bea). We talk a lot off-cam,” he said.

Sey naman ni Bea, playful daw si Alden sa set.

“Of course, I knew that before pero extra playful siya dito. Maybe because parang ano niya ‘to, eh, matagal na niyang tahanan ang GMA, so he’s very comfortable around everyone,” ani Bea.

Ine-expect na rin ng aktres na maiko-compare ang version nila ng Start-Up sa original version ng South Korea pero aniya ay gagawin niya ang lahat ng best niya at excited daw siyang bigyang buhay ang lead character sa sarili niyang interpretasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.