Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden mas mahal kay Daniel

0 256

NI: ARCHIE LIAO
Iniintriga ang Kapuso actor na si Alden Richards dahil kumpara sa tiket ng virtual concert ni Daniel Padilla, mas mahal ang tiket ng kanyang AR: Alden’s Reality na gaganapin sa December 8.

Ang nasabing virtual reality concert show ng Pambansang Bae ay bilang bahagi ng kanyang ika-10 taong anibersaryo sa showbiz.

Noong Hulyo 25 originally naka-schedule ang nasabing concert pero dahil sa COVID-19 pandemic ay naurong ito.

Sey ng kibitzers, natalbugan na raw ba si Daniel Padilla ni Alden bilang concert performer na hindi maikakailang laging sold-out ang concerts?

Ibig din daw bang sabihin nito na mas bankable na artista si Tisoy kesa kay DJ.

Pagtatanggol naman ng mga supporters ni Alden, ang actor ay itinuturing na King of Television sa kasalukuyan.

Hindi na rin makukuwestiyon ang kanyang husay bilang actor lalo pa’t napansin na ang kanyang acting ng Gawad Urian bilang nominee samantalang si DJ ay hindi pa.

Hirit pa nila, si Alden din ang may hawak ng titulo bilang Box Office King sa Guillermo Mendoza Scholarship Foundation awards.

Ang kanilang pelikula ni Kathryn Bernardo na “Hello, Love, Goodbye” ay nananatili pa ring undisputed bilang highest grossing Pinoy of all time na dating hawak ng Kathniel sa pelikulang “The Hows of Us” noong 2018.

Leave A Reply

Your email address will not be published.