Abante Tonite Interactive

Alden may ‘journey’ ngayong Lenten season

455

tonite-this-is-it-roldan-castroIsang espesyal na prog­ramming schedule ang handog ng GMA Network para sa mga Kapuso viewers ngayong Huwebes Santo-Sabado de Gloria.

Sa Huwebes Santo, unang mapapanood ang pelikulang ‘Hotel Transylvania’ (5:00am) at ‘Beauty and the Beast’ (6:30 am).

Magnilay-nilay at tuklasin ang Holy Land sa travel show na ‘#MichaelAngelo Holy Week Reflections’ (8:00am).
Kasunod ang 3 pelikula – ‘Shrek’ (9:00am), ‘Titanic’ (10:00am) at ‘Noah’ (1:30pm).

Sa ika-3:15 nang hapon, tampok naman ang ‘Front Row: Pasan’ ng GMA News and Public Affairs.

Isang mahalagang aral sa pagpapatawad ang masusubaybayan sa episode ng ‘Stories For The Soul’ na pinamagatang ‘Kasama Mo ang Diyos’ pagdating ng 3:45pm. Hango sa kuwento ni Joseph The Dreamer, pagbibidahan ito ng Kapuso actor na si Benjamin Alves.

Samantala, mga natatanging kuwento ng buhay ang dapat subaybayan sa #MichaelAngelo Holy Week Drama Specials pagsapit ng 4:30pm.

Mula sa CBN Asia, mapapanood si Kristoffer Martin sa ‘Tanikala: Buyonero’ (5:30pm).

Magbalik-tanaw sa unan­g dalawang linggo ng epic-drama series ng GMA-7 na ‘Sahaya’ pagsapit ng 7pm. Kaabang-abang din ang pelikulang ‘All of You’ nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay (10:00pm).

Sa Biyernes Santo (Abril 19), mag-e-enjoy ang mga bata dahil ipapalabas ang ‘Barbie Video Game Here’ (5:00am).

Susundan ito ng ‘Jesus’ (6:00am), ‘Women of the Bible’ pagpatak ng 7:00 am. Sunod nito ang ‘#MichaelAngelo Holy Week Reflections’.

Tiyak namang mapapamahal kayo sa animated fantasy adventure na ‘Up’ pagsapit ng 9:00am.

‘Power to Unite’ naman ni Ms. Elvira Yap-Go sa 11:00am.

May live telecast ng ‘Siete Pa­labras’ na gaganapin sa Sto. Domingo Church (12:00-3:00 pm). Susundan ito ng dokumentaryong ‘Front Row: Nebulizer’.
Hango sa kuwento ni Job sa Bibliya, hatid ng ‘Stories for the Soul’ ang ‘Tinig Ng Pananalig’ tampok sina Gabby Eigenmann at Valerie Concepcion (3:45pm).

#MichaelAngelo Holy Week Drama Specials sa ika-4:30 pm, at ‘Tanikala: Kublihan’ (5:30pm) mula sa CBN Asia.

Movie marathon ulit mula 7:00-11:30 pm: ‘Our Mighty Yaya’ ni Ai-Ai delas Alas; ‘This Time I’ll be Sweeter’ nina Barbie Forteza at Ken Chan; at ‘Meant to Beh’ (Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta). Susunod naman ang
replay ng #MichaelAngelo Holy Week Drama Specials sa ika-11:30 nang gabi.

Back-to-back movies naman ang sasalubong sa inyo sa Sabado de Gloria (Abril 20): ‘Hotel Transylvania 2’, 5:00am; at ‘Tarzan’, 6:30am. Sunod ang hu­ling episode ng #MichaelAngelo Holy Week Ref­lections Holy Land (8:00am).

‘Despicable Me 2’ sa ganap na ika-9:00 am; ‘Mi­nions’ pagsapit ng 10:30am; alas-12:00 ng tanghali ang ‘Superman Returns’; at ‘Ben Hur’, 2:00pm.

Sa ika-3:15 nang hapon, mapapanood ang GMA News TV’s Front Row documentary na pinamagatang ‘Anak ng Gubat’.

Samahan sina Kris Bernal at Thea Tolentino sa kanilang pagganap bilang magkapatid na may magkaibang hangarin sa buhay tulad nina Martha at Maria sa Bibliya sa episode ng ‘Stories for the Soul’ na ‘The Better Sister’ pagsapit ng 3:45pm.

Bibida naman sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa romantic movie na ‘Almost A Love Story’, 5:30pm.

Siguradong maaaliw ang Kapuso viewers sa ‘Enteng Kabisote 10 & The Abangers’ (9:00pm) at ‘Imagine You and Me’ ng phenomenal love team nina Alden Ri­chards at Maine Mendoza (10:00pm).

Panghuli ay ang ‘Way of the Cross’ pagsapit ng 12:30am.
***

Ngayong Black Saturday, April 20, ay may inihandang istorya ang APT na humahamon sa tibay ng ating pananampalataya. Ang ‘The Journey’ na ginagampanan ng Kapuso actor na si Alden Richards.

Ang special Lenten story na ito sa direksyon ng multi-awarded film at TV director na si Michael B. Tuviera.

Ipinapangako ng APT na ang ‘The Journey’ ng aktor na si Alden ay mag-iiwan ng lakas ng loob, at moral na halaga sa mga makakapanood.

Kasama rin sina Max Collins, Kristoffer Martin, Va­ness del Moral, Rodjun Cruz, Jennica Garcia-Uytingco, Nonie Buencamino, Irma Adlawan, at Ricky Davao. Ipapalabas ang ‘The Journey’ ngayong ika-7:00 nang gabi sa GMA-7.