Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden may pasabog kay Maine

0 929

Binati ni Alden Richards ang katambal niya sa AlDub na si Maine Mendoza sa pagdiriwang ng huli ng ika-limang taon niya sa showbiz industry.

Kabilang sa natanggap na video greetings ni Maine sa Facebook Live ng handler niyang All Access to Artists noong July 4 ang madamdaming mensahe ni Alden.

“Maine, gulat ka no? Akala mo kung sino. ‘Di, joke lang. Happy, happy 5th anniversary sa showbiz. Sobrang tine-treasure ko lahat ng mga pinagsamahan at pinagdaanan natin throughout these years,” panimula ni Alden.

“I’m very happy for you. Five years in showbiz, alam ko naging mahirap sa ‘yo ‘yun kasi una sa lahat hindi ka showbiz na tao eh. Happy ako kasi for the love of your fans, for the love of the craft, for the love of the industry, nag-adjust ka.

“So thank you sa samahan, thank you sa friendship, higit sa lahat thank you sa mga natulungan mo, sa hard work mo,” dagdag niya.

Magugunitang July 4, 2015 nang unang lumabas sa “Eat Bulaga” si Maine, na tinaguriang Dubsmash Queen.

Sumikat ang loveteam nila ni Alden sa segment ng noontime show na “Kalyeserye”. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.