Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden may patikim sa 10 taon

0 311

NI: ROLDAN CASTRO

Ipinasilip ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang naganap na pictorial para sa kanyang 10th year showbiz anniversary celebration sa darating na December 8.

Sa isang Instagram video ay ibinahagi niya ang behind-the-scenes para rito, “Silip muna. Let’s experience it together on Dec 8. #AldensReality #AldenRoadtoTen”

And as expected, maraming fan ni Alden ang na-excite rito. Biro pa ng ilang followers niya, magli-leave na raw sila sa naturang date, “Mag file na ako ng vacation leave for Dec 8 ha.”

Samantala, maganda rin ang naging feedback ng mga viewer sa kakatapos lang na mini-series ni Alden na ‘I Can See You: Love On The Balcony’ kung saan nakatambal niya si Jasmine Curtis-Smith. Kahit pa isang linggo lang umere ang programa, maraming viewers ang natuwa sa magandang kuwento, at mahusay na pagkakalatag ng mga eksena.

Leave A Reply

Your email address will not be published.