Abante Tonite Interactive

Alden may stunt sa concert

397
tonite-this-is-it-roldan-castroMaaksyon ang se­cond major concert ni Alden Richards sa September 21, 8 pm sa Kia Theater. Mas explosive dahil may mga stunts siyang gagawin.
May nagtatanong din kung guest ba si Maine Mendoza sa ‘Adrenaline Rush’ pero ta­nging Diyos lang ang nakakaalam.
 “I want to challenge myself even more, kaya mas gagalingan ko. By doing so, it’s my way na rin po of thanking all the fans who continue to support me no matter what,” deklara niya.
Importante kasi kay Alden ay may puso ang performance niya.
Ang special guests niya ay ang  Asia’s Songbird na si Regine Velazquez-Alcasid, Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas, Rodjun Cruz, Betong Sumaya, One Up, Ex-Battalion.
Prodyus ito ng GMA Records. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni GB Sampedro at si Marc Lopez ang musical director.
May inihanda ring production number si Alden na nasa kanyang album na “Until I See You Again” carries the single “I Will Be Here.” Available na ito sa  digital pre-order sa September 7, at officially released sa September 21 via iTunes, Spotify, Amazon and various digital platforms worldwide.
***
 
Onyok, Carlo, Xia kikilatis ng talento
 
 
Mas mapupuno ng saya ang weekend family bonding ng mga manonood sa pag-uumpisa ng “The Kids’ Choice,” ang pinakabagong Kapamilya talent-reality competition. 
Sa unang pagkakataon, mga bata naman ang bibigyang kapangyarihang kumilatis ng mga talento simula ngayong Sabado at Linggo (Setyembre 1 at 2).
Sa pangunguna nina Robi Domingo at Eric Nicolas, ang “The Kids’ Choice” ay isang orihinal na konsepto na kinabibilangan ng “The Just Kids League,” ang mga batang huradong huhusga sa performances ng mga “Fam-bato” o magkakapamilyang contestants na linggo-linggong magpapakitang gilas sa entablado. Ito’y  sina Xia Vigor, Onyok Pineda, Carlo Mendoza, Chun­sa Jung at Jayden Villegas.
Talbog!
***
 
Kobe type ni Loraine
 
 
Kakaiba ang karisma ni Loraine Joy Albania Arpia ng Socorro Oriental Mindoro
19 years old, may sukat na 34-25-36.  Marketing management student siya sa Lyceum of the Philippines University. Ultimate crush niya ay si kobe Paras.
Hindi naging madali ang journey niya sa Miss Tourism Philippines.
Pero nasungkit niya ang World Miss Tou­rism Ambassador Philippines. 
***
Malalaman na ngayong gabi kung sino ang tatanghaling Mr. Personality 2018. Ito ang paandar ng White Bird, malapit sa Baclaran. Roxas Boulevard. Sampu ang maglaban-laban para sa nasabing titulo.
Tawagan lamang si Gelli sa 09279074623 para sa ibang detalye.