Abante Tonite Interactive

Alden na-in love kay Maine

2,382

Pinag-uusapan pa rin ang pag-amin ng Pambansang Bae na si Alden Richards na na-in love siya sa isang aktres.

Bagama’t hindi niya tinukoy kung sino ito, marami ang humuhula na ito ay walang iba kundi ang other half niya sa AlDub na si Maine Mendoza.

Gayunpaman, naunsyami lang daw ito dahil sa hindi pagkakaunawaan.

“Siguro po, there’s a point in a relationship and in life, na sometimes, no matter how strong the feelings are towards a person, minsan hindi talaga kayo nagkakaintindihan… Hindi po umabot sa naging kami,” paliwanag niya.

Matatandaang naging phenomenal ang love team nina Maine at Alden nang mabuo ang AlDub na sinubaybayan noon ng buong mundo sa ‘Eat Bulaga’.

Pagbubunyag pa ng aktor, last official romantic relationship niya ay noong nasa kolehiyo pa siya.

Dahil sa tinamong tagumpay ng kanyang pelikulang ‘Hello, Love Goodbye’, marami na ang nag-aabang sa sequel ng kanilang tambalan ni Kathryn Bernardo. (Archie Liao)