Abante Tonite Interactive

Alden nabigla sa ‘I Love You’ ni Kathryn

753

Juice colored! Kahit teaser pa lang ang ipinakita, ang “Hello, Love, Goodbye,” ang ganda-ganda na! Looks like we have the next big box office hit movie, huh!

Ang diva that you love, habang tinitipa eto, happy to report na almost 400K views (and counting) ang maikling patikim nito sa YouTube at sangrekwa na rin ang likes at sharing, huh!

What I loved about the teaser – ‘yung unang tinginan nina Faulkerson at Bernardo matapos magpa-impress si Alden sa kanyang bartending stunt.

Inggit na inggit ako kay Kathryn sa eksenang nasa maliit silang area na parang alcoholic beverage cellar at ang kanilang katawan, dikit kung dikit talaga. Ang mga body part nila down South, magkalapat din kaya?

Bagay kay Alden ang pag-i-experiment niya with his facial hair, mas lalo siyang guwapo. Panalo rin ang no makeup-makeup look ni Bernardo. Fresh as a morning daisy ang kanyang kariktan at ngayon ko lang napagtanto na may ganda pala siya. Charot! Hahahaha!

Bongga rin na ang katauhan ni Kathryn, may pagka-agresibo. Siya ang unang nag-I love you sa katauhan ni Richard na parang ikinabigla nito! Pasok sa banga!

With all these indicators, mukhang the movie is worth every one’s while at mas lalong worth all of our collective waiting.

Excited na ako na mapanood ang full trailer nito at mas lalo ang buong movie. Ang mas nakaka-excite, kung saan television shows sa Kamuning station puwedeng dumalaw si Bb. Bernardo lalo na nga’t wala naman itong regular show sa kasalukuyan?

May pa-grand welcome kaya si Kathryn sa “Eat Bulaga?” O kaya sa early primetime show ni Willie Revillame, ang “Wowowin?” May chance kayang maging panauhin rin sila sa late evening show na “Tonight With Arnold Clavio?” Ang “Kapuso Mo, Jessica Sojo,” ang KathDen movie, may segment kaya?

Sa Mother Ignacia network, makakaasa ba tayo na mapapanood natin ang Pambansang Bae sa “Gandang Gabi Vice?” o kaya sa “Tonight With Boy Abunda?”
Kung saan, kailan at paano ang mga kaganapan para sa pinagsamahang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, walang kaduda-duda na ito ay isang event movie na lahat, mapa-dabarkads o madlang pipol, yayakapin, susuportahan at pa-nonoorin, huh!
***

Manoy nakakapit sa life support machine

Ang diva that you love, lungkot ang naramdaman matapos lumabas ang opisyal na balita na ang isa sa mga artistang maituturing na pambansang kayamanan, ang pamilya nito, pumayag na sa “do not resuscitate” status ni Ginoong Eddie Garcia.

Ang ibig bang sabihin nito, life support machine na lang talaga ang bumubuhay sa kanya?

Ngayong taon na ito, dalawang beses akong may up close and personal encounter kay Sir Eddie. Una, noong binigyang-parangal siya bilang Lifetime Achievement awardee sa Singkwento International Film Festival Manila Philippines.

Pangalawa, sa MMDA office kung saan siya, kasama ang kanyang mga ka-grupo sa “Rainbow Sunset” were feted for lunch habang ginagawad sa kanila ang kanilang mga karangalang nagmula sa isang international film festival.

Hindi ko lang nagawang magpa-picture sa pambansang kayamanan kasi nga, may naramdamam akong hiya, at alam niyo naman ang kamay ng diva that you love, baka maidantay ko sa tiyan ni Sir Eddie, bigla itong mabaliw. Charot! Hahahaha.

Sa kanyang mga pelikula, hindi ko makakalimutan ‘yung mga Andres de Saya day niya na kasama si Gloria Diaz, na directed by Danny Zialcita, ‘yung mga sexy comedy.

Master class in acting para sa akin ang kanyang performance sa “Bwakaw” kung saan ginampanan niya ang katauhan ng isang matandang bading na may special na kaibigan, ang kanyang aso.

Bet na bet ko rin siya pagkontrabida siya sa mga pelikula ni Fernando Poe Jr.

Napanood ko rin sa YouTube ang way ahead of its time na Lino Brocka’s “Tubog sa Ginto” kung saan ang katauhan niya ay isang closeted, married man.

Siyempre pa, ang mga millennial, kilalang-kilala siya dahil sa matagal niyang pagganap sa “FPJ’s Ang Probinsyano” pati na rin sa Cinemalaya film na “ML” kung saan may mga best actor nomination pa siyang tinanggap.

Ang huling awards night na nakitang alive and kicking, at super aga pa itong dumating sa venue ay sa PMPC Star Awards for Movie kung saan isa siya sa mga natatanging artistang binigyang-parangal.

Ang mga sinulat ko tungkol kay Sir Eddie Garcia ay parang tip of the iceberg lamang dahil hindi na talaga mabibilang ang kanyang mga achievement bilang actor at director. Walang malaki o maliit na role para sa Pambansang Kayamanan at utmost ang professionalism at mabuting pakikisama sa lahat.
God heals, love heals, Sir Eddie Garcia!