Abante Tonite Interactive

Alden nagpaubaya Carlo gamot sa tako ni Maine

323

Nagdiwang ang phenome­nal love team na AlDub ng ika-apat nilang anniversary nitong July 16, 2019. Trending sa Twitter ang #ALDUB4yearsUnrivaled na umabot sa mahigit 460k tweets.

“Happy 4th anniversary, AlDub! Maraming salamat sa lahat ng tunay na nagmamahal at sumusuporta hanggang ngayon! Salamat sa lahat ng naging parte ng AlDub Nation sa loob ng apat na taon,” bati ni Maine Mendoza sa kanyang Twitter account.

Bagama’t hindi nawawala ang AlDub love team dahil sa milyon-milyong fans nito, may kanya-kanya nang proyekto sina Alden Richards at Maine.

Malapit na nga ang showing ng pelikula ni Alden na “Hello, Love, Goodbye” na katambal ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Ito naman ang reaksyon ni Alden sa bagong makakatambal ni Maine na si Carlo Aquino. Proud pa nga si Maine dahil childhood crush niya ang aktor at ito ang magiging leading man niya sa pelikula nilang “Isa Pa With Feelings” sa direksyon ni Prime Cruz.

Ayon kay Alden, masaya siya para sa dating ka-love team. Makakatulong umano ito para sa kanya lalo na at alam niyang nahihirapan ito pagdating sa pag-arte.

Ito umano ang oras ni Maine para labanan ang kanyang takot at makalaya sa nagho-hold back sa kanya. Nilinaw ni Alden na masaya siya sa panibagong oportunidad na ibinigay kay Maine.