Abante Tonite Interactive

Alden naka-holding hands si Lisa ng BlackPink

218

Ni: Vinia Vivar

Ang daming naaliw sa tweet ni Alden Richards na naka-holding hands niya ang crush niyang si Lisa ng Blackpink. Pero ‘yan ay nangyari sa mobile game na Ragnarok.

Nag-post si Alden ng screenshot while playing Ragnarok kung saan ay makikita ang karakter niya na si Starlord na ka-holding hands ang karakter ni Lisa habang tila tumatakbo sila.

Caption ni Alden sa larawan, “Kahit man lang sa laro makaholding hands. Good morning!”

Naka-post din sa naturang tweet ang larawan ng player’s quest kung saan ay puwede ngang ma-encounter ng player si Lisa sa Land of Rune Migart’s Adventurers.

As we all know ay matagal nang crush ni Alden ang Thailander na member ng sikat na South Korean girl group and very vocal naman siya tungkol dito.

Sa mga nakakakilala kay Alden, alam din nilang mahilig din ang aktor na maglaro ng Ragnarok at kilala na rin talaga nila ang karakter niyang si Starlord. In fact, ito nga ang tawag sa kanya ng ibang celebrities na naglalaro rin ng nasabing mobile game.

Kapag break time sa set ng “The Gift” ay madalas ding naglalaro si Alden ng Ragnarok.

Recently, Ragnarok M: Eternal Love has launched Lisa NPC in the game.

Naaliw naman ang mga fan ni Alden sa tweet ng aktor at suportado nila ang idolo sa pagiging fanboy nito. Kinakantyawan nga nila ito na ang higpit daw ng holding hands kay Lisa.

Wish din ng mga fans na magkatotoo in real life ang holding hands at sana raw ay dumating ang time na mag-meet ang dalawa at gumawa rin ng project.

Samantala, patuloy naman ang positive reviews ng mga televiewers sa “The Gift” ni Alden. Karamihan sa komentong nababasa namin ay nakaka-excite raw ang bawat episode kaya naman hooked na hooked sila sa serye.