Abante Tonite Interactive

Alden nalason, naospital

By
19

HINDI na nagawang tapusin ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang Eat Bulaga kahapon. Isinugod na si Alden sa hospital dahil sa pagsusuka nito.

Nagawa pa ni Alden na makapag-opening ng Eat Bulaga, pero hindi na ito napanood pa hanggang sa matapos ang E.B. ‘Yun nga, isinugod na ito sa hospital dahil na food poisoning.

Posible raw na may nakain ito noong gabi ng Linggo na nagpasama ng pakiramdam.

Habang isinusulat namin, wala pa kaming balita kung nakalabas din ba si Alden ng hospital o kung maayos din agad ang kalagayan niya.

Ang totoo, tila marami ang nag-aabang sa Eat Bulaga kahapon at gusto nilang makita kung paano sina Alden at Maine pagkatapos ngang mag-viral ang open letter ng huli sa mga fans.

Sa social media ni Alden, marami na rin ang nagko-comment at nagsasabing magpahinga at magpaga­ling daw ito.