Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden naudlot ang tukaan kay Curtis

0 88

NI: ROLDAN CASTRO

Naintriga at na-excite ang mga netizen sa pasilip ng upcoming GMA series na ‘The World Between Us’ na pinagbibidahan nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, at Tom Rodriguez.

Noong June 9 ay inilabas na ang unang teaser ng naturang serye. Makikitang naudlot ang kissing scene ng mga karakter nina Alden at Jasmine na sina Louie at Lia.

Maririnig din sa teaser ang boses ni Lia na nagsasabing, “Abot kamay na kita, ganito na tayo kalapit sa isa’t isa. Pero ba’t ganun? Ba’t parang napakalaki ng hadlang sa pagtatagpo ng ating mga puso?”

Naiintriga tuloy ang kanilang mga fan sa kung ano ang magiging takbo ng kuwento ng serye. Hula ng isang netizen, “Hmm the way Alden delivered his lines, and that retro transition, I think magkaiba sila ng timeline.”

Maliban sa muling team-up nina Alden at Jasmine, inaabangan na rin ng viewers ang kakaiba at challenging role na gagampanan ni Tom Rodriguez sa serye.

Matatandaan na una nang ibinahagi ng aktor ang kanyang new look para sa show. Mapapansin na tila may pagka-bad boy ang kanyang dating.

Abangan ang nalalapit na world premiere ng The World Between Us ngayong July sa GMA-7.

Leave A Reply

Your email address will not be published.