Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden pasok sa Top 20 Most Handsome

0 1,005

Ni:ROLDAN CASTRO
Kabilang ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ilan pang Kapuso stars sa Most Handsome and Beautiful Faces in Philippine Showbiz ng PH Choice Awards ngayong taon!

Bukod kay Alden, pasok din sina Miguel Tanfelix, Jak Roberto, Kelvin Miranda, Khalil Ramos, Mavy Legaspi, Allen Ansay, Will Ashley, at Ken Chan sa Top 20 Most Handsome Faces na kinahuhumalingan ng fans at Filipino audience.

Samantala, parte naman ng Top 20 Most Beautiful Faces ang Kapuso actresses na sina Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Cassy Legaspi, Sofia Pablo, at Julie Anne San Jose.
Makikita ang buong listahan sa Facebook page ng PH Choice Awards.

Leave A Reply

Your email address will not be published.