Abante Tonite Interactive

Alden pinasadya ang regalo kay Jo

736

Ipinost ni Jo Berry ang early Christmas gift sa kanya ng co-star sa “The Gift” na si Alden Richards. Isa itong red mini-folding rocking chair na magagamit niya habang nasa set.

Ang nasabing regalo ay pinasadya pa talaga ng Pambansang Bae para nga maging fit talaga kay Jo at para maging kumportable ito.

Ang nakakatuwa ay sa mismong set ng “The Gift” ito ipina-deliver ni Alden and right there and then ay ginamit na ni Jo.

Sa larawang ipinost ni Jo na gumaganap na nanay ni Sep (Alden) sa “The Gift”, makikitang inaalalayan pa siya ng aktor sa kanyang upuan.

Caption ni Jo, “spoiled.”

Pati ang mga netizen ay natuwa sa pagmamahalan ng mag-ina’t pinuri ang pagiging sweet ni Alden.

“Ang cute ng mag-ina,” ang reaksyon pa ng mga netizen.

Samantala, kababalik lang ng Pambansang Bae mula sa Dubai para sa concert special ng “Eat Bulaga”. Balik-taping na ang aktor ng “The Gift” na talaga namang gabi-gabi ay pinupuri ng mga tagasubaybay ang bawat episode.

Barbie-Kate bagong Maricel-Snooky

May pagbibidahang bagong teleserye sa GMA-7 sina Kate Valdez at Barbie Forteza at ito ay ang remake ng 1884 film na “Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday”. Matatandaang pinagbidahan ito originally nina Maricel Soriano at Snooky Serna kasama sina Nida Blanca at Gloria Romero.

Sa remake ay makakasama rin ng dalawang young actresses ang original star na si Snooky. Join din sa cast si Dina Bonnevie.

Sa Instagram story ni Kate ay ipinost niya ang storycon na naganap para sa nasabing bagong serye. Makikita rin sa larawan sina Dina and Snooky at iba pang cast tulad nina Teresa Loyzaga, Jay Manalo, at iba pa.

Ang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” ay nakatakdang ipalabas sa 2020. Matatandaang huling napanood si Kate sa teleseryeng “Onanay” na natapos nitong nakaraang Marso.