Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden pinusuan sa GMA Now

0 1,261

Effective talaga si Alden Richards na brand amabassador. Pinusuan siya dahil positibo ang feedback ng mga netizen sa GMA Now na inilunsad noong Pebrero lamang.

Ang GMA Now ay isang mobile digital TV receiver na maaaring gamitin sa Android smartphones upang mapanood ang live broadcast ng Kapuso channels nang libre. Gamit ang GMA Now app, mapapanood ang latest shows na nasa GMA, GTV, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, at ang pinakabagong digital channel na I Heart Movies gayundin ang free-to-air channels na available sa area nang hindi na kinakailangan pa ng internet connection.

Kapag online naman, nae-enjoy rin ng GMA Now users ang exclusive interactive features kung saan pwede silang gumawa ng groups at makipag-chat sa kanilang mga pamilya at kaibigan habang nanonood ng TV sa pamamagitan ng Groupee Chat; balik-balikan ang mga kinagiliwang Kapuso show sa GMA Videos-On-Demand; at may chance pang manalo ng papremyo sa masasayang quizzes sa Interactive Promos.

Masayang ibinahagi ng maraming users sa iba’t ibang platforms ang kanilang experience sa bagong game-changing entertainment device ng GMA.

Comment ni Ian R., “Maliit lang pero kulang pa ang five stars ko kasi laking tulong at ganda nito.”

Na-appreciate naman ng user na si Conrad J. ang quality ng device at customer service sa pagbili niya nito.

“Okay na okay ito para sa mga nagco-commute at sa mga nagbabakasyon sa ibang lugar. Pang-tanggal inip at pang-enjoy din at para sa mga hindi maka-afford ng TV pero gustong manood.”

Marami ring tech reviewers sa YouTube ang nagbigay ng big thumbs up sa GMA Now at isa raw itong “tiny device that’s not to be underestimated”.

Walang kinakailangang monthly fees, makakapanood ka na ng TV on-the-go for free at mae-enjoy mo pa ang exclusive interactive features ng GMA Now!

Para sa iba pang mga detalye, visit www.gmanow.tv at ang official social media accounts nito sa Facebook, Twitter, at Instagram. (RFC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.