Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden, Piolo, Regine ‘di pasaway sa press

0 1,044

ROMMEL PLACENTE:Maraming handlers at road manager ng mg artista ang mga pasaway mga ka-Cuatros dI ba? ‘Yung mga alaga nilang artista,sa one on one interview ay hinihila na nila,hindi pinapatapos ang interview. Ang sinasabi nila sa ating mga press,babalik pa raw kasi sa shooting o taping.Standard ang binibigay nilang rason.Na obvious naman na alibi lang nila ‘yun.Iniiwasan lang siguro nila na matanong ang mga alaga nila sa mga isyung kinakaharap ng mga ito.

Pero hanga ako rito kay Enchong Dee,ha? Sa isang interview niya kasi noon,hinahatak na siya ng kanyang RM.May ibang lakad pa raw kasi ang aktor Pero ang maganda kay Enchong,sinabi niya sa RM niya na wait lang daw at tatapusin niya muna ang interview sa kanya. O, di ba,bonga si Enchong? Hindi katulad ng ibang artista na hindi tinatapos ang interview at sunod-sunuran sa kani-kanilang hander o RM.

Isa pang hanga ako na may pagmamahal sa press ay itong si Piolo Pascual.Nang mag-guest siya noon sa isang event ng Prestige International,after niyang kumanta, ay sinubukan siya ng press na ma–interview di ba? Pero hindi natin nagawa, dahil hinila na siya palabas ng kanyang RM.

Pero nang makasakay na sa kanyang sasakyan si Papa P. ay tinawagan niya ang isang kasama natin sa panulat na si Melba Llanera, na kasama natin that time, para iparating ang paghingi niya ng apologize dahil hindi natin siya na-interview. O, di ba,katuwa si Papa P? May malasakit siya sa press.

MILDRED A.BACUD: Tama! Kadalasan, wala naman talaga sa artista ang problema, madalas ang handler o manager ang mahigpit. Naalala ko tuloy si Ronnie Alonte. Sa isang show sa isang comedy bar, inabangan talaga siya ng mga tao sa dressing room. At that time mainit pa ang name niya. Pagdating pa lang sa venue dami na gusto magpa-picture sa kanya Nagpaunlak naman siya pero ang handler binilangan ang mga nagpapapicture, as in 123 go, 123 go. Natawa talaga kami na andun din as press. Ang artista o singer kapag kinukuha sa show natural lang talaga na dumaan sa manager. Pero nakakabilib ang mga artistang kapag kaibigan ng press ay hindi na pinapahirapan. Kaya nilang umoo at sila na ang kakausap sa manager nila tulad na lang ni Jed Madela. Kasikatan din ni Onemig Bondoc no’n kasehodang under Star Magic siya at that time, nakakapag-decide siya on his own.Natapat din kasi siya sa handler na mabait at marunong makisama.

RODEL FERNANDO: Pagdating sa pakikisama sa press ay wala na akong masasabi pa sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Kapag kasi ang dalawang ito ay nilambingan ng production number ng isang awards night o benefit shows lalo na’t taga press ang nag-invite ay hindi sila mahirap kausap. Umuoo agad sila basta ipaalam sa kanilang mga talent manager. Sa totoo lang dahil naging mabait sila sa mga nagha-handle ng kanilang mga karera ay hindi na sila nahihirapang kumbinsihin ang mga ito. Para ngang salita pa lang nila ay makapangyarihan na agad kapag sinabi sa kanilang mga manager. Bagay na kapuri-puri naman dahil very cooperative talaga ang mga nagpapatakbo ng kanilang mga career. Si Ogie ay si Leo Dominguez at si Regine naman ay ang kapatid niyang si Cacai Mitra.

ROLDAN CASTRO: Isa sa darling of the press ay si Alden Richards. Basta umuo siya sa PMPC kaya niyang panindigan at ipaglalaban niya talaga ito.

Gaya na lang itong “AWIT SA PANDEMYA …. A PMPC BENEFIT VIRTUAL CONCERT“ na magaganap sa sa April 18, 2021 (Sunday), ticket2me.net web player, 8:00 PM (PHST & SGT), 5:00 AM (PDT). Hindi siya nangdalawang isip na umuo. Kinausap namin ang kanyang manager na si Carlites de Guzman at si Alden na rin ang nagpaalam sa GMA Artist.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ilang beses nang pinatunayan ni Alden na mahal niya ang press. Nu’ng wala pang pandemic ay nagbibigay talaga siya ng Christmas party at nagpa-raffle siya sa media.’Yun ang panahong nagpapasalamat siya at nagsi-share ng blessings.

May pagkakataon din na nagkaproblema ang handler ni Alden sa isang movie press pero ang actor ang humingi ng paumanhin at nagpadala pa ng bulaklak.

Ganoon niya pahalagahan ang press kaya hanggang ngayon patuloy pa rin siyang sinusuwerte sa kanyang karera. Winner talaga siya sa pakikisama.

Anyway, makakasama ni Alden sa ‘Awit Sa Pandemya’ sa Linggo sina Christian Bautista, Jed Madela , Gerald Santos, Ima Castro, Luke Mejares, Jeric Gonzales , Ms. Kuh Ledesma atbp.

Para sa tiket bumisita sa ticket2me.net o tumawag sa 09188427346.

!– wp:embed {“url”:”https://www.youtube.com/watch?v=MyMWG0nlvJU\u0026feature=emb_title\u0026ab_channel=Abante”,”type”:”video”,”providerNameSlug”:”youtube”,”responsive”:true,”className”:”wp-embed-aspect-16-9 wp-has-aspect-ratio”} –>

https://www.youtube.com/watch?v=MyMWG0nlvJU&feature=emb_title&ab_channel=Abante

Leave A Reply

Your email address will not be published.