Abante Tonite Interactive

Alden ready nang mag-asawa

574

Walong taon na sa industriya ang aktor na si Alden Richards. Talaga namang sobrang blessed niya sa dami ng achievement na nakamit niya.

Hindi lang show business ang pinagkaka­abalahan ng aktor nga­yon, dahil maging ang pagnenegosyo ay pinasok na niya. Bukod sa restaurant niya, magbubukas na rin sa April 26 ang franchise niya sa McDonald’s Biñan Highway.

Talagang winner sa life ang pambansang bae. Mapapatunayan na stable na siya sa buhay at in any moment ay puwede nang bumuo ng sarili niyang pamilya.

Puwede na ba siyang mag-asawa?
“Puwede na po kasi ‘yung business po namin na magbubukas na, secured na secured na po,” mabilis niyang sagot.
Kanino niya natutunan ang pagiging wais sa pera?

“Sa lola ko po, ti­nuro sa akin na ‘always be ready for a rainy day’. Always save, mas maganda na may sasalo sa’yo kapag nalaglag ka sa current position mo sa industriya. ‘Yun po, naglalagay po ako ng mga safety nets outside showbiz. Para just in case man po, if anything else happen, mayroon po akong fallback,” pakli niya.

 

Pagluluto nagpapaligaya sa Pambansang Bae

Nagluluto ba siya?
“Matagal na po kasi mahilig po talaga ako kumain. Kaya nga po ako nag-open ng restaurant (Concha’s Garden Café) kasi talagang malaking parte ng ­buhay ko ang pagkain. Maraming ibinibigay sa aking kaligayan ‘yun, eh,” lahad niya.
Ano ang paborito niyang lutuin?

“Sa ngayon po natutunan ko na kung paano gawin ang kare-kare (with Cookies Peanut Butter). Pero ang madalas ko po talagang niluluto minsan sa bahay, mga steak, tapos minsan pakbet tsaka adobo, ‘yung basic.”
Sino kaya ang artista na nakatikim na ng luto niya?

“Meron po, ‘yung sa Mars, si Ate Cams at saka si Ms. Suzy. Nanalo pa nga ako du’n eh.”
Kahapon naman ay nagluto siya sa “Sarap Di Ba?” ng Binagoongang Chicken Wings na kinain nina Carmina Villarroel, Mavi & Cassy Legaspi at Betong Sumaya.

Suportado si Maine kay Arjo

Kamakailan lang ay umamin na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza na exclusively da­ting na sila. Ano kaya ang reaksyon ni Alden?

Ano ang reaksiyon niya sa pagkakadawit sa relasyon ng ArDub? Sinisisi siya ng mga basher na hindi raw niya niligawan si Maine.

“Siguro sa mga taong involved sa buhay po ng ibang tao siguro mas okay na just leave them alone and let them be happy sa kung ano man ang mga gusto nilang gawin kasi tao lang po kami, eh. Hindi po kami robot na kapag gusto ng karamihan ay gagawin na namin.

“So, parang, ako po suportado ko si Maine sa lahat ng ginagawa niya and talagang kung saan po siya masaya nandoon po ako and I’m sure na ganoon din po ang suporta niya sa akin, let them be happy,” deklara niya.
Okay lang ba sa kanya na palaging pinagbibintangan sa pagkawasak ng AlDub?

“Okay naman po sa’kin, tanggap ko naman po ‘yun. It’s always at the, fault po ng lalaki ‘yun, eh. Naiintindihan ko na po ‘yun at hindi ko aalisin sa kanila ‘yun kasi sanay naman na ako for the longest time that AlDub has began.
“Nandiyan pa rin naman po ang AlDub, wala naman po nagsabi na tapos na siya eh.

“Pero tanggap ko na po ‘yung sa detractors talaga, ‘di ko na maaalis sa kanila ‘yun.

“Ako po, sa tagal ko na nakakatanggap ng mga hate comments, hindi po ako sumagot.

At kahit na ano pa pong sabihin nila sa akin, hindi pa rin po talaga ako sasagot kasi mas tahimik po ang buhay ko na ganito.

“So ngayon po ang focus ko ay ‘yung career at may mga ibang plano pa rin po ako.

“Okay po kami ni Maine, gusto ko lang po ipaalam sa inyo. Mas okay kami ni Maine nga­yon.”

 

KathDen: ‘Trabaho po ‘yun’

Okay na ba na ipares siya sa ibang aktres gaya ni Kathryn Bernardo?

“Opo, kasi it’s work. Trabaho po ‘yun, hindi ko po talaga aalisin. Kasi ang industriya natin ngayon especially, since nag-start naman po ako, I’ve been paired with a lot of leading ladies, until now po ganu’n pa din naman.”
Ano ang masasabi niya sa mga napapabalitang makakatrabaho niya na ibang artista?

“As much as they’re excited na makatrabaho ako, ganu’n din po ako sa kanila,” sey pa niya.

Wala pang kumpirmasyon kung totoong matutuloy ang pagsasama sa pelikula nina Alden at Kathryn sa Star ­Cinema under Cathy Garcia-Molina. Importante kasi na payagan at ipahiram si Alden ng APT Entertainment. Dito siya nakapirma ng kontrata pagdating sa paggawa ng movie.
May mga aabangan pa ba kay Alden?

“Marami po actually, kapag malapit na po, doon ko na sasabihin para ‘di maudlot.”
‘Yung pagpasok niya sa creative ng kanyang mga shows magtuloy-tuloy pa ba ‘yun?

“Sana po kasi iba po ‘yung empowerment na naibibigay sa akin kapag nabibigyan po ako ng opportunity na maging part ng creative process kasi nagkakaroon po ng freedom. Ako po sa mga creatives, sa mga boss natin, to continue involving artists sa paggawa ng story kasi parang win-win situation po ‘yun, eh.

“‘Yung writers nabibigyan ng artista kung paano nila mas mabibigyan ng justice ‘yung role, sa mga ideas na binibigay nila. Mas nagiging maganda ‘yung pagri-represent ng character, hindi pilit. Kasi before, noong nag-i-start pa lang po ako, bibigay sa akin ‘yung script, ‘gawin mo ‘to.’ But now, since GMA has been so generous to me, binigyan ako ng involvement doon sa proseso. So natupad na.”

After “Victor Magtanggol,” ano ang gusto niyang i-portray?
“Gusto ko po talaga, hopefully makagawa pa ng mga indie films. ‘Yun po kasi ang hindi ko pa nagagawa in my 8 years in showbiz na gustong-gusto ko na po gawin. Kasi nandoon po talaga ‘yung craft eh, acting kasi has been my passion talaga, more than anything that I’ve been doing now. More than being a performer, being a host, actor po talaga ‘yung puso ko.”

Pero sobrang blessed siya sa walong taon niya sa showbiz.

“Malaki po talaga ang pagpapasalamat ko sa Diyos na eto po ‘yung narating ko with my 8 years. Isa sa pinagpapasalamat ko ay ‘yung mga core people ko po, mga tao na, who’s been with me in my journey na solid po sa akin. Talagang through thick and thin, nandoon po sila, hindi nila ako pinapabayaan. Siguro isa ‘yun sa key to success, tsaka po ‘yung faith ko sa Diyos.”
Sa teleserye, may aabangan ba sa kanya?

“Yes po, gusto ko po bumalik sa forte ko, ‘yung heavy drama,” pakli pa niya.

Mapapanood ngayon si Alden sa “Eat Bulaga” at “Sunday Pinasaya.”

Ngayong second week ng March ay aalis siya papuntang Holy Land kasama ang Dabarkads. Nakatakda rin niyang gawin sa April ang “Eat Bulaga” Lenten Special. Wala pang linaw kung sa Hong Kong ang taping niya.