Abante Tonite Interactive

Alden ‘regalo’ ang mahiwalay kay Maine?

0 677

Ang pagiging aktor ni Alden Richards ang itinuturing niyang best ‘gift’ na natanggap niya sa buong buhay niya.

“Binago po nito ‘yung buhay ko. Pero as much as it’s changing my life, I’m changing others as well through the inspiration they get from the projects that I make, especially po the fans,” sambit ng bida ng “The Gift” na si Alden.

“Ang kinatutuwa ko po kasi is mahal ko ‘yung trabaho ko, na mas minamahal ko po siya kapag may mga nababasa akong comments, may mga lumalapit sa akin na, ‘O, Alden, ang ganda ng ginawa mong ganitong klaseng project and you changed my life.’

“Siguro, ‘yun po ‘yung nagiging goal ko sa lahat ng ginagawa kong proyekto: gaano ba kalaking inspirasyon ang mabibigay nito sa mga manonood at sa sarili ko and sa co-actors ko and everyone that’s involved in the creative process?

“So siguro, ‘yun po talaga ‘yung higher calling ng trabaho po naming lahat, ‘yung hindi lang po kami artista, hindi lang kami nagpo-portray ng mga role, hindi lang kami nakikita sa TV. But the higher calling po sa aming mga aktor is really to give inspiration to people, especially po sa mga kababayan nating Pinoy,” seryosong bulalas ng Asia’s Multimedia Heartthrob.

Regalo rin ba niyang maituturing ‘yung nahiwalay na siya sa love team at nakaya niyang magdala ng sarili niyang pelikula?

“In a way po kasi, parang binigyan po ako ng chance na mag-grow personally,” pakli ng 27-anyos na binata.

“It’s about time!” reaksyon ng gumaganap na tunay na ina ni Alden sa “The Gift” na si Ms. Jean Garcia.

“Opo,” natatawang pagsang-ayon dito ni Alden.

Dugtong niya, “Blessing din po ‘yon. Kasi siyempre, masarap po ‘yung pakiramdam na nakakagawa ka ng mga proyekto na nagiging proud ka sa sarili mo. So, masaya po ako sa mga nagiging desisyon ko ngayon.”

Excited si Alden na magbalik-drama sa kanyang bagong inspirational serye na “The Gift” kung saan first time siyang gaganap na bulag.

Nag-interbyu pa raw si Alden ng mga dating sighted na tao na nawalan ng paningin, tulad ng nangyari sa karakter niyang si Sep, at nag-immersion pa siya sa Resources for the Blind sa may Cubao para rito.

Sa darating na Lunes, September 16, ang simula ng “The Gift” sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Beautiful Justice”.