Abante Tonite Interactive

Alden sa trak ng basura noon, Jaguar ngayon

3,585

Ni: BOY ROMERO

Walong taon ang naging paglalakbay ni Alden Richards sa pagtahak niya sa mundo ng showbiz. Nakipagsapalaran, nagtiyaga, maraming hirap na pinagdaanan at sinuong ang mga hamon at pagsubok na dala ng showbz. Hanggang sinwerte siya at ngayon ay isa na siyang malaking artista. Hinahangahan, nirerespeto, sikat at isa na ring magaling na aktor at TV host. Tuloy-tuloy ang dating ng biyaya. May malaking bahay na siya ngayon, may collection ng mga mamahaling relo, may restaurant business, may mamahaling sasakyan at soon may isa pang pasabog na business.

Halos lahat ay me­ron na siya. Kaya nang mainterbyu namin siya para sa isang special episode ng Tambayan Ng Tsika at Showbiz PaMore ang online show ng Abante TONITE, asked namin siya kung ano yung bagay na gusto niyang makuha o mabili. May balak ba siyang bumili ng isang yate o eroplano?

“Wala po, mabilis niyang sagot sa amin. As much as possible po, ayoko pong itaas ang standard of living ko, ‘yung lifestyle ko. Okey na po ako ngayon sa lifestyle ng family ko, comfortable.

“Ang gud the Arcillas family.”

Napag-usapan din ang paglipat ng ilang Kapsuo stars sa ABS-CBN tulad ni Regine Velasquez, at nang usisain si Alden kung siya ba ay posibleng lumipat din someday, ito ang ka it public. Ang gusto ko po, lahat ng gagawin kong pagtulong,e, under the table,” lahad pa niya.

Marami na ang nagbago at naiba. Sabi nga niya, sinadya siyang dalhin ni God sa mundo ng showbiz para maging inspirasyon ng mara­ming tao. Kung dati-rati ay sumasakay siya sa trak ng basura pag-uwi nang gabi sa Laguna, ngayon ay sa isang Jaguar lang naman siya nakasakay.

 

Ano ang pakiramdam?

“Isa yan po sa mga priceless moments ng buhay na hindi ko po ipagpapalit. ‘Yung struggle, paghihirap ko, ‘yung kahirapan namin noon. ‘Yun po kasi ‘yung malaking factor kung ano ako ngayon, kung ano’ng klaseng tao ako ngayon. Ang mantra ko po kasi ngayon, ‘yung sinusunod kong prinsipyo,e, yung pagi­ging symphatetic to the people, ‘yung mga taong nakikita ko, na nakakababa,e, yung mga taong gusto kong tulungan na walang kuwestiyon at agree naman ‘yung team ko on that aspect. Alam ko ‘yung feeling na gusto mong makapag-aral, pero wala kang pang-tuition fee, yung gusto mong sumama sa fieldtrip pero wala kang pambayad, yung gusto mong bumili ng laruan pero hanggang hawak ka lang sa toy store, so ‘yung generosity ko dun po nanggagaling.

“Those small things, fragments ng memories ko when I was young makes me who am I now. Sobrang precious sa akin ‘yung mga panahon na wala kami. So, ganu’n na lang po si­guro para mas marami pa ang blessings,” lahad ni Alden.

Wala sa isip ang politika
Ni Nonie Nicasio

May plano ba siyang pumasok sa politics? “Sa ngayon po, wala po iyan sa option ko. Siguro in the next five to ten years, kasi ‘di po sumasagi sa akin ‘yung idea na ‘yun. Kasi parang ang dami ko pa pong dapat gawin in terms of sa career, pag-arte, artista. Pero di ko rin po sigurado, kasi minsan ayaw ko rin naman pong kainin ‘yung mga sinasabi ko or sasabihin ko po. Pero for now po, ‘di ko po ‘yun priority.”

Kung sakali mayroon ba siyang susuportahan na mga kandidato? Halimbawa si Congresswoman Arlene Arcillas?

“Si Congresswoman Arlene Arcillas has been a very close friend even before I entered show business. So my support to her is all the way, kahit na po nandito na ako sa showbiz. But to make things clear po, I will not support any candidates in the election po, except her and the Arcillas family.”

Napag-usapan din ang paglipat ng ilang Kapsuo stars sa ABS-CBN tulad ni Regine Velasquez, at nang usisain si Alden kung siya ba ay posibleng lumipat din someday, ito ang kanyang naging tugon: “Hindi po,” mabilis na sagot ni Alden.

“Actually, GMA is very-very supportive, very generous… I mean, wala po akong masabi. So, sa GMA-7 na po ako tatanda,” nakangiting wika pa ni Alden.

‘Sa GMA 7 na ako tatanda’

Ni Nonie Nicasio

Espesyal na araw para sa Tambayan ng Tsika at Showbiz PaMore last Friday. Nagsanib-puwersa kasi ang dalawang Abante TONITE online show dahil special guest dito si Alden Richards.

Tinupad nga ng Pambansang Bae ang pangako niyang makatsikahan naming lahat. Unang inusisa kay Alden ang ina­abangan ng maraming loyal fans nila ni Maine Mendoza. Kamusta na nga ba sila ni Yaya Dub ngayon?

Tugon ni Alden, “Sa ngayon po, we’re very much okay. Actually, parang ito po ‘yung sigu­ro one of our best moments together, since medyo nagkahiwalay po kami because we’re doing solo pro­jects. Parang ngayon po, mas panatag po loob namin with each other when we do Eat Bulaga. And mas open po kami actually lately, kaysa before.”

May dapat ding abangan sa kanya simula ngayong Linggo. “Ito po, maggi-guest ako sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ for one month. Four weeks po ito for the entire December season.

“Yes, Christmas special po ito, ang title po nito, Pinoy Santa. So, parang it’s a story about this man na nagtatrabaho and very encoura­ging siya, he always believes in the spirit of Christmas. And nalulungkot siya ‘pag mayroon siyang mga nakikita o nakakahalubilong tao na tine-take for granted na lang ‘yung Christmas.

“So ito, it’s a reminder for the viewers, especially sa mga bata na we always need to celebrate Christmas every year, kasi it’s our only way to thank the Lord for all the blessings that came our way du­ring the entire season.

“So maganda po ‘yung story, very light, very pambata po and actually ‘yun po ang ginagawa ko as of the moment,” aniya pa ng guwa­ping na actor-TV host.
Dito’y nabanggit din ni Alden na bukod kay Bea Alonzo, ang taga-ABS CBN artist na gusto niyang makatrabaho sa isang pelikula ay si Sarah Geronimo.

Sambit ni Alden, “Yes please, si Sarah Geronimo po for a movie, yes, I’d love to. Kasi, nagkasama na po kami, may mga endorsements kami, very nice, very… kumbaga when it comes to life pattern, parang parehas po kami nang pinanggalingan. So, that’s why iyon po siguro ang common denominator namin ni Sarah.”

Willing magpa-sexy
Ni Archie Liao

Maraming sorpresa ang nakalaan sa mga fan at follower ng Pambansang Bae na si Alden Richards para sa mga susunod na taon.

Hindi lang magiging mapangahas ang bedimpled actor sa pagpili ng kanyang mga role dahil kasama na riyan ang kanyang physical transformation.

Ito raw ay bilang paghahanda sa kanyang pag-explore sa mga dark at gritty roles na hahamon sa kanyang versatility bilang actor.

Na-miss din kasi niya ang mga papel tulad ng role niya sa ‘The Road’ kung saan napansin ang kanyang galing.

Type niya ang mga role na may pagka-psycho para patunayang he’s more than just a pretty face.

Open din daw siya sa posibilidad na magpa-sexy kung kakailanganin sa isang proyekto.

“If it’s reasonable or it’s required for the pro­ject or sa ikagaganda ng proyekto, gagawin ko siya pero dapat may purpose kung bakit siya kailangang gawin,” paliwanag niya.

Gaganap si Alden bilang Santa Claus sa 6-part Christmas special ng Daig Kayo ng Lola Ko hos­ted by Ms. Gloria Romero na mapapanood simula ngayong Linggo, December 2 sa GMA-7.