Abante Tonite Interactive

Alden, Sanya may namumuong romansa

1,032

Sa Instagram, may video posting kung saan masisilayan ang tila tender at sweet moments na pinagsaluhan nina Alden Richards at Sanya Lopez.

Ang paliwanag mula sa nagbahagi na hiding under a fictitious handle name na sanyaalden: “I posted this kasi Instagram ko to! Ok lang? At aminado akong kinikilig ako at ito yung nagpapasaya sakin. 😻 Yes im a shipper of @aldenrichards and @sanyalopez Pero, wala akong sinirang relasyon dahil they’re both SINGLE. We all Love Alden and Sanya. And most of us may shiniship sa kanila. At ito yung sakin. Pero hindi ibig sabihin nito. Ako na ang may hawak ng puso nila. Still sila parin ang mamimili kung sino ang magugustuhan nila in the end. Hindi natin kailangan manira ng iba para lang masunod yung gusto natin. Richard is so selfless. Ito lang yung isa sa mga hiling nya. Wag naman tayong selfish. Kaya kung totoo man ito or hindi. Hayaan natin syang maging masaya. At respetuhin sana natin kung sino man ang taong gugustuhin nila kung talagang totoo pag mamahal at suporta natin sa kanila. #SpreadLove&Kindness .”

May namumuo nga bang romansahan kina Richard Faulkerson Jr. at Shaira Lenn Roberto? Kaabang-abang ang sagot sa tanong, huh!

Coco, Robin nangangamoy suntukan

May isang dalahira ang nagtanong sa diva that you love kung sa pakiwari ko ba, mauuwi sa suntukan sina Coco Martin at Robin Padilla?

Kasi nga, itong si Padilla, may kung ano-anong side issues ang rinaratrat kay Rodel.

Sa true lang, sa pagkakakilala ko kay Coco, hindi aabot sa pisikalan ang mga kaganapan at hindi niya papatulan ang mga pagsatsat ni Ginoong Robinhood dahil may respeto ito sa mas nakatatanda.

Ms. Dalahira, mas gugustuhin ni Nacianceno na pag-igihin ang kanyang trabaho sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at harapin ang kanyang mga responsibilidad sa loob at labas ng kanyang top rating drama action serye kesa pumatol sa hindi na kasikatan na alam mong kulang sa pansin, sa true lang.

May mga binabato at binibintang siya kay Coco na wala namang kahit na anong masamang ginagawa sa kanya. Ang tanong, paano kung biglang ang mga multo mula sa kanyang nakalipas eh biglang masaliksik at isambulat? Handa ba siyang harapin ang mga ito o ang defense niya rito eh he is now a changed man at ang nakalipas, ay nakalipas na. Wow, hebigat naman ang changes mo Sir Padilla.

Paano kung mahanap bigla at magsalita ang isa niyang tagahanga na katok ng katok sa van niya? Paano kung magsalita ‘yung editor na diumano’y hindi nailagay ang shots na gusto niya para sa kanyang eksena?

Masaya ka kamo sa pagiging Dutertard kaya siguro hindi mo na sinasaalang-alang ang katotohanan na ang asawa mong si Mariel, ang kapatid mong si Rommel Padilla, manugang mong si Aljur Abrenica at pamangkin na si Daniel Padilla kamag-anak na si Bela Padilla ay ipit na ipit at siguradong hindi maunawaan ang mga kadadakdak mo dahil sila rin ay nagtatrabaho sa Dos.

Kataka-taka, nakakahibang at nakakatuliro kung saan galing ang lakas ng loob mo na magsalita laban sa ABS-CBN kasi nga, ayon sa aking impeachable source, may guaranteed, living contract ka sa network. Na kahit wala kang project sa telebisyon o pelikula, sumusuweldo ka, may cheke kang tinatanggap mula sa Dos. Ang network na kinakastigo mo, malaki ang tulong sa iyong kabuhayan. Kaya, Ms. Dalahira, kung saka-sakaling darating ang panahon na kakasa si Coco Martin sa mga patutsada ni Padilla, tiyak, ang hihilingin nito eh sa pribado lugar sila magkausap at magkapaliwanagan.