Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden sapaw si Gerald

0 1,043

NI: ROLDAN CASTRO

Ratsada ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa mga endorsement niya kahit pandemya.

Bago ang COVIC crisis ay nilunsad ang alak na ini-endorso niya. Nasundan ito ng produkto ng Tuna kasama si Nadine Lustre.

Kamakailan ay lumabas na rin ang shampoo commercial ni Alden na kinunan sa Bangkok kasama si Bea Alonzo.

Matatandaan na si Bea ay ex ni Gerald Anderson. Hindi lang si Bea ang napunta kay Alden. Pinalitan din niya si Gerald sa isang endorsement.

Lumabas kahapon ang poster ni Alden ng Cosmo Cee Vitamin bilang bagong brand ambassador.

Tapos na ang contract ni Gerald sa pag-endorse sa nasabing produkto.

Kinumpirma namin thru chat kay Sir Nino Bautista, Founder & Managing Director ng BFCLab kung wala na ba sa kompanya si Anderson?

“Si Alden na po pinalit kay Gerald, we will announce digital presscon soon. Inaayos lang sched ni Alden,” pakli niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.