Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden ‘sign’ ng paglipat ni Kuya Kim

0 133

Mistulang senyales si Alden Richards sa paglipat ni Kuya Kim sa GMA 7.

Naikuwento niya na humihingi raw siya ng payo sa dalawang kaibigan na nasa marketing nang magkita sila sa tambayan nila sa Pasig. Tinanong niya kung wise na desisyon ang mag-transfer sa network sa ganitong point .

Habang nakikinig siya sa advise nila at humihingi ng sign, biglang may tumawag sa kanya ng Kuya Kim.

Lumapit at bumati sa kanya si Alden na galing sa gym .Ito ay nasa ibabaw ng tinatambayan ni Kuya Kim.

‘Ang sabi ng dalawang kausap ko…napatahimik sila, ang sabi nila ,Kim parang sign yata ‘yun. “

Pinag-uusapan daw nila ang GMA 7 na paglipat niya,biglang one of the biggest stars ng GMA 7 ay tinawag ang pangalan niya.

“Hindi naman nagpupunta si Alden dun kahit kahit kailan. Never ko siyang nakita dun, bigla na lang nandun si Alden,” lahad pa niya.

Anyway, maayos naman ang pamamaalam ni Kuya Kim sa Kapamilya network. Mainit din naman ang pagtanggap sa kanya sa Kapuso. Tatlo agad ang programa niya sa GMA 7, isang segment sa “24 Oras,” “Mars Pa More,” at bagong show sa GTV na “Dapat Alam Mo.”

“Isang malaking karangalan na mapunta ako sa Kapuso Network. Nothing happens by accident. I was given this opportunity by GMA-7 and I intend to make the most out of this opportunity,” sambit niya.
“I am so happy that you are accepting me wholeheartedly. Damang-dama ko ang pangalan ng ating istasyon,” saad pa ni Kuya Kim .

SM food to go Banner Ad

Alfred misteryoso ang pagtakbo

Palaisipan kung ano ang tatakbuhin ni Cong. Alfred Vargas ngayong halalan 2022. Nag-file siya kahapon ng COC pero wala sa post niya kung anong posisyon.

Nag-iisip tuloy ang mga taga-showbiz kung Senador, Quezon City Vice Mayor o babalik siya sa pagiging konsehal.

Nu’ng magkatsikahan kami sa Star Awards , hindi pa siya decided kung ang tatakbuhin niya.Si Cong. Alfred ang host ng Star Awards for Movies, Music (Oct.10) at TV (Oct.17).

Ayon naman sa aming source, nawala diumano siya sa isang serye na kasama si Sunshine Cruz dahil balitang tatakbo raw ito.

Samantala, si PM ang papalit sa kanya dahil last term na niya bilang representative ng 5th district ng QC.Todo ang suporta niya sa kanyang utol.

Na-touch din kami sa post niya sa Facebook na dumalaw sila ni PM sa puntod ng kanilang ina.

Ang caption ng kanyang post,”We visited and paid our respect kay Mommy matapos mag-file ni Coun. PM Vargas ng kanyang kandidatura para sa Kongreso. Nagpaalam at humingi kami ng blessing sa aming magulang na nagpamulat sa amin ni PM ng tunay na halaga at kahulugan ng serbisyo publiko. Alay namin sa kanya ang bawat sakripisyo at tagumpay sa larangang kanyang isinabuhay. Huling bilin niya sa akin; “Live and serve with integrity, compassion, and competence.” Three words PM and I have always stood for and lived by. Maraming salamat, Mommy. We will take care of your legacy and we will always make you proud. We love and miss you.”

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.