Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Alden sinaktan ng StarStruck

0 251

NI: VINIA VIVAR

Hindi pa rin nakakalimutan ni Alden Richards ang lungkot at pagkabigong naramdaman nang hindi siya makapasok sa StarStruck noon.

Sa podcast ni Nelson Canlas ay nagbalik-tanaw ang aktor sa panahong nag-audition siya sa StarStruck at nakasabay pa niya sina Rocco Nacino at Sarah Lahbati.

Pinahiram pa nga raw niya ng white t-shirt noon si Rocco. That time ay nasa top 100 pa lang daw sila. Pero pagdating sa top 60, hindi na pinalad si Alden na mapili.

Isa-isa raw silang tinawag noon and either “congratulations” pag nakuha and “thank you” kapag hindi naman nakasok ang sasabihin sa kanila.

Kabadong-kabado raw siya talaga noon at nagdadasal na sana’y makuha siya. Pero nang dumating daw sa pangalan niya ay “thank you” ang sinabi sa kanya at talaga raw labis siyang nasaktan noon.

“Ayun na tinawag na, ‘Thank you.’ Ang sakit-sakit nung vow na ‘yun. Kitang-kita mo sa mukha ko na I was disappointed. Sobrang nasaktan ako noong time na ‘yun,” sabi ni Alden.

Inamin din ng aktor na talagang gusto niyang mag-artista that time dahil kailangang kailangan nila ng pera.

“Na feeling ko pag-aartista ‘yung makakasagot. Need na siya. Wala pa ‘yung passion doon na gusto kong mag-artista kasi gusto kong maging aktor, gusto kong maka-inspire ng maraming tao. Wala pa ‘yung konsepto nun noong time na ‘yun. It’s just about the money. Real talk lang, ‘yun talaga siya.

“’Yun ‘yung priority that time kasi nga when my mom passed away, my dad had to resign from his job for 10 years to get the severance pay to pay for the funeral and kung ano-ano pang gastos that time,” pagtatapat ng aktor.

Pagkatapos hindi makapasa sa StarStruck ay ayaw na raw sana niyang mag-artista at sumuko na siya. Pero destiny siguro talaga ng aktor ang showbiz dahil nang magkaroon ng isa pang audition sa GMA-7 para sa Alakdana, kinumbinsi siya ng manager na mag-audition at pinalad namang makapasa siya. And the rest is now history.

Leave A Reply

Your email address will not be published.