Abante Tonite Interactive

Alden sinalubong ng ABS-CBN big boss

606

Allan Diones

Nasa A­BS-CBN building kahapon si Alden Richards dahil simula na sila ng promo activities para sa pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye’.

Kasama ni Alden ang l­eading lady niyang si Kathryn Bernardo, na winelkam siya roon at ipinakilala siya sa mga big boss ng Kapamilya network.

Abante Hiring – IT dep

“Medyo surreal” ang pakiramdam ng Kapuso heartthrob na nandu’n siya sa kabilang network.

Magsu-shoot kasi ang KathDen ng video plugs at iba pang digital shoot kaugnay ng promo ng movie.

Nagpunta ang dalawa sa Star Cinema office kung saan binless sila ng isang pari para sa success ng kanilang pelikula, tapos ay nag-intimate lunch ang KathDen with the lady boss ng Star Cinema na si Direk Olivia Lamasan.

Napag-alaman namin na maraming taga-Star Cinema ang naguguwapuhan kay Alden at mas lalo pa nila itong nagustuhan nang malaman nila kung gaano ito kabait.

Sa isang event na pinuntahan namin na panay Kapamilya ang ka-table namin ay topic nila si Alden at kinikilig sila rito habang nagpapakitaan sila ng pictures ng Pambansang Bae.

In fairness ay mukhang love na love nila si Alden sa kabilang network at welcome na welcome ito sa kanila kahit Kapuso ang binata.

Mukhang potential blockbuster ang ‘Hello, Love, Goodbye’ na sa Juy 31 ang showing, so posibleng masundan pa ang movie na ito ni Alden sa Star Cinema.
PAK!!

Barbie, Mika tapos na ang awayan, sigawan

Party mode na ang stars ng ‘Kara Mia’ dahil nag-last taping na sila nu’ng Monday at finale episode na nila sa Friday.

Tweet ni Barbie Forteza, “We just shot our last scene for ‘Kara Mia.’ Lez partaaayyyy!!!!”

Tweet naman ni Mika dela Cruz, “Last day taping of ‘Kara Mia’ done! PACKUP! Salamat po sa lahat ng nanood at sumubaybay!”

Si Paul Salas ay may pa-farewell post sa IG na, “I wanna thank everyone who watched and supported ‘Kara Mia’. Thank you@gmanetwork for the trust. Thank you to every single person behind the cameras. Thank you to my co-actors. It was a blast working with you all.”

Bongga si Paul dahil may kasunod na agad siyang show. Kasali siya sa cast ng ‘Descendants of the Sun’ ni Dingdong Dantes bilang isa sa mga sundalo.

Kung si Barbie ang tatanungin, ang gusto raw niyang ending ay magiging engkanto slayer si Kara dahil ganu’n naman daw siya sa show.

Siyempre, gusto niya ring magkaroon ng happily ever after ang magkapatid na Kara at Mia dahil ‘yun daw ang deserve ng dalawa after ng lahat ng mga awayan at sigawan nila.

“I want us to be physically separated for good and get to live our own lives,” wish ni Barbie.

Sey naman ni Mika, “Of course, gusto kong maging happy ending naman kami ni Kara and lumabas ang pagmamahal namin sa isa’t isa.

“Kasi, kahit bali-baligtarin man ang mundo, ang core pa rin talaga ni Mia ay si Kara. Nice touch din sana if kunwari, nabigyan ng konting engkanto powers si Mia! Ha! Ha! Ha!”

Mami-miss daw ni Barbie ang mga joke ni John Estrada at ni Direk Dominic Zapata, ang forever poised na Ms. Carmina Villarroel (na sabi ni Barbs ay one of the nicest actresses she has ever worked with) at saka si Ms. Glydel Mercado).

“I won’t miss Mika, Paul and Jak because we promised we’ll still see each other after the show. Hehehe!”